JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LIFESTYLE CHECK SA COMELEC OFFICIALS, HINILING NG ISANG SENADOR

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADORA GRACE POE NA DAPAT MAGKAROON NG LIFESTYLE CHECK SA BUONG COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) OFFICIALS.

GINAWA NI POE ANG REAKSYON MATAPOS LUMABAS ANG ALEGASYONG NAGKAMALI SI COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA NG ISANG (1) BILYONG PISONG UNEXPLAINED WEALTH.

AYON KAY POE, DAPAT AY REGULAR NA ISINASAGAWA ANG LIFESTYLE CHECK NA NAUNA NANG BINANGGIT NG DUTERTE ADMINISTRATION.

ANIYA, ISANG MATINDING REBELASYON ANG IBINUNYAG NG ASAWA NI COMELEC CHAIRMAN BAUTISTA LABAN SA KANYA AT HINDI UMANO ITO MAAARING ITURING BILANG SIMPLENG AWAY MAG-ASAWA.

SAMANTALA, IKINAKASA NA SA SENADO ANG ISANG MALALIMANG IMBESTIGASYON SA USAPIN NG UMANO’Y TAGONG-YAMAN NI BAUTISTA MATAPOS ANG RESOLUSYON NA IHINAIN NI SEN. TITO SOTTO.

SINABI NI POE NA KUNG MAPAPATUNAYAN ANG MGA ALEGASYON AY MAAARING MA-IMPEACH O MATANGGAL SA PWESTO SI BAUTISTA DAHIL PLUNDER ANG KASONG KINAHAHARAP NITO SA P1 BILYON HIDDEN WEALTH.

 

 

 

 

 

Read 238 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.