JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
HONTIVEROS BUKAS SA SENATE INVESTIGATION KAY COMMISSIONER BAUTISTA

BY: JOJO SICAT

BUKAS SI SENADORA RISA HONTIVEROS SA POSIBILIDAD NG PAGKAKAROON NG ISANG IMBESTIGASYON NG MAKAPANGYARIHANG SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE SA ISSUE NG ILL-GOTTEN WEALTH NI COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA.

AYON KAY HONTIVEROS, BUKAS ANG SENADO BILANG INSTITUSYON SA KAHIT ANONG KOMITE AT MAGING ANG BLUE RIBBON SA KAHIT SINONG INDIBIDWAL NA SENADOR NA MAGHAIN NG RESOLUSYON PARA SA ISANG INQUIRY.

PALIWANAG NG SENADORA, KUNG MAYROON MANG MAGHAIN NG EBIDENSYA LABAN KAY BAUTISTA, MAIIWAN NA SA BLUE RIBBON ANG PAGTITIMBANG AT PAGBUO NG FINDINGS.

GANUNPAMAN, SINABI NI HONTIVEROS NA SA NGAYON, NA BAGAMAT SERYOSO AT NAKAKABAHALANG ISSUE ANG KINASASANGKUTAN NG COMELEC CHAIR, AY MABUTI ANIYANG WAG MUNANG MAGKOMENTO HANGGAT WALANG MATIBAY NA EBIDENSYANG NAILALATAG.

Read 251 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.