JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
MGA OPISYAL NG BOC NA UMANO'Y TUMATANGGAP NG SUHOL, ITINURO AT PINANGALANAN NG TESTIGO

BY: FELIX TAMBONGCO

PINANGALANAN AT ITINURO NG TESTIGONG SI MARK TAGUBA ANG SINASABING MGA OPISYAL NG BUREAU OF CUSTOMS NA UMANO'Y TUMATANGGAP NG SUHOL.

ITO'Y SA PAGPAPATULOY NG PAGDINIG NG HOUSE COMMITTEE ON DANGEROUS DRUGS SA KAMARA SA ISYU NG P6.4 BILYONG ILLEGAL DRUGS.

SA PAGTATANONG NI REP. FREDENIL CASTRO, HINILING NITO SA TESTIGONG SI TAGUBA LANG KILALA NYA ANG MGA TAONG SINASABING TINATANGGAP NG SUHOL NA KANYANG PINANGALANAN.

HINILING NITO KAY TAGUBA NA TUMAYO AT ITURO ANG MGA SINASABING TUMATANGGAP NG SUHOL KABILANG SINA TEDDY RAVAL, ATTY NEIL MARONILLA, DIR. ESTRELLA, TEDDY SAGARAL, MAJOR GUTIERREZ,  DEPUTY COMMISSIONER NILO MAESTROCAMPO, JASON, MAITA, FORMAL ENTRY DIVISION.

MALIBAN SA MGA PINANGALANAN, MAYROON PA UMANONG IBANG WALA SA PAGDINIG ANG SINASABI NI TAGUBA NA KABILANG SA TUMATANGGAP NG LAGAY.

SI TAGUBA AY INIREKOMENDA RIN NG KOMITE NA ILAGAY SA WITNESS PROTECTION.

SA KAPAREHO RING PAGDINIG, PINABULAANAN NAMAN NI COLLECTOR VINCENT PHILIP MARONILLA ANG ALEGASYON NI TAGUBA, DAHIL HINDI SIYA UMANO KAILANMAN TUMANGGAP O ANG KANYANG OPISINA MULA RITO.

MAGING SI NEIL ESTRELLA AY NAGSABI NA WALA SIYANG ALAM SA LAGAYAN NA SINASABI NI TAGUBA, SA KATUNAYAN UMANO NOONG MAY SINABING IMPORMASYON SA KANYA AY AGAD NIYA ITONG INAKSYUNAN, NAKAHANDA RIN UMANO SIYANG MAGSALITA SA PROPER FORUM.

EMOSYUNAL NAMAN DIR NILO MAESTROCAMPO AT SINABI NITO NA MAGBIBITIW NA LAMANG SIYA SA KANYANG APPOINTMENT, DAHIL MASAKIT UMANO SA KANYA NA MAPAGBINTANGAN SA HINDI NAMAN NIYA GINAGAWA, KUNTENTO NA RIN UMANO SIYA SA KANYANG SINASAHOD, WILLING RIN UMANO SIYANG ISUMITE ANG KANYANG SARILI SAGA GAGAWIN PANG IMBESTIGASYON.

AYON NAMAN KAY TEDDY SAGARAL, 10 TAON NA SIYA SA MICP AT 3 BESES LANG NYANG NAKITA SI TAGUBA SA KANYANG OPISINA, NAKAKALUNGKOT RIN UMANO NA NAKALADKAD ANG KANYANG PANGALAN DAHIL SA ISANG AKUSASYON.

Read 314 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.