JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
FAELDON, TINAWAG NA IPOKRITO NI CONG. BARBERS

BY: FELIX TAMBONGCO

TINAWAG NA IPOKRITO NI SURIGAO REPRESENTATIVE ROBERT ACE BARBERS SI CUSTOMS COMMISSIONER NICANOR FAELDON SA KWESTYUNABLENG PAGBIBIGAY NITO NG TRABAHO SA ISANG VOLLEYBALL AT ILANG EX-PBA PLAYERS.

AYON KAY BARBERS, KAILAN PA NAGING KWALIPIKASYON PARA MAKAPAGTRABAHO SA BUREAU OF CUSTOMS (BOC) ANG PAGDI-DRIBBLE, PAG-SHOOT O PAG-SMASH SA NET NG BOLA.

ANG PAHAYAG AY GINAWA NI BARBERS MATAPOS MABUKING SA HEARING NG HOUSE WAYS AND MEANS COMMITTEE NA INILAGAY NI FAELDON SA PAYROLL NG BOC SINA KENNETH DUREMDES, MARLOU AQUINO, E.J. FEIHL AT VOLLEYBALL STAR ALYSSA VALDEZ.

BUWELTA ITO NG MAMBABATAS SA PAHAYAG NI FAELDON NA ILANG MAMBABATAS ANG NAGTANGKANG IMPLUWENSYAHAN ANG PAG-FILL UP SA ILANG JOB POSTS SA BOC.

TANONG NI BARBERS, “QUALIFIED BA SILA SA KANILANG MGA POSISYON BILANG TECHNICAL ASSISTANT AT INTELLIGENCE OPERATIVES KUNO. MAGKANO BA ANG IBINABAYAD SA KANILA MULA SA BUWIS? PUMAPASOK NGA BA SA TRABAHO ANG MGA ITO?”

KUMPARA SA MGA ATLETA, SINABI NI BARBERS NA MAS QUALIFIED PA ANG ISANG SANDY SACLUTI NA INIREKOMENDA PARA SA ISANG POSISYON SA BOC, NGUNIT TINANGGIHAN NI FAELDON.

SI SACLUTI AY MAY MASTERS DEGREE SA CUSTOMS ADMINISTRATION AT NO. 7 SA PERSONNEL COMPETENCY ASSESSMENT OF CUSTOMS PERSONNEL NOONG JANUARY.

IDINAGDAG PA NITO NA HINDI NAKAPAGTATAKA KUNG ANG P6.4 BILLION NA HALAGA NG SHABU ANG NAIPUSLIT SA TUNGKI NG ILONG NG BOC.

Read 2516 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.