JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
KARAGDAGANG 20K SUNDALO AT 10K PULIS HINILING NG PANGULO SA MGA SENADOR MATAPOS ANG PANIBAGONG BANTA SA MINDANAO

BY: JOJO SICAT

INAMIN NILA SENATE MAJORITY LEADER VICENTE TITO SOTTO III, SENATE MINORITY LEADER FRANKLIN DRILON AT SENADOR PANFILO LACSON NA NAKIUSAP AT HUMILING SA MGA SENADOR AT MAMBABATAS SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA KARAGDAGANG 20,000 SUNDALO AT 10,000 MGA PULIS PARA SA SEGURIDAD SA MINDANAO.

SA PANAYAM SINABI NI DRILON NA SINABI SA KANILA SA PAGPUPULONG KAHAPON NG PANGULONG DUTERTE NA MAY PANIBAGONG BANTA SA SEGURIDAD SA MINDANAO.

ANIYA NI DRILON TILA ANG BANTA AY NAGMULA SA ISIS BASE SA INTELLIGENCE INFORMATION NA NAKARATING SA PANGULO.

SINABI RIN ANIYA SA PAGPUPULONG NG PANGULONG DUTERTE NAKIKIPAG-KOORDINASYON NARIN ITO SA MGA KALAPIT BANSA PARTIKULAR NA SA INDONESIA.

SINABI NAMAN NI SOTTO NA KINAKAILANGAN NA MATUGUNAN AGAD ANG NATURANG KAHILINGAN NG PANGULO UPANG HINDI LUMAGANAP ANG BANTA SA VISAYAS AT MINDANAO.

IGINIIT PA NI SOTTO NA TATLONG LUGAR ANIYA SA MINDANAO ANG TINUTUTUKAN NG MGA OTORIDAD UPANG HINDI MATULAD SA MARAWI CITY.

ANIYA NI SOTTO KUNG HINDI MAAGAPAN MAS MASAHOL PA SA KARANASAN SA MARAWI CITY ANG MAGAGANAP BASE SA MGA NAGING PAHAYAG NG PANGULO SA MGA MAMBABATAS NA DUMALO KAHAPON SA PAGPUPULONG.


SINABI NAMAN NI LACSON NA NGAYON LANG NAKIUSAP ANG PANGULO SA MGA MAMBABATAS UKOL SA SEGURIDAD SA MINDANAO KUNG SAAN MAGING SI DRILON NA OPOSISYON AY IPINATAWAG NG PANGULO AT PINAKIUSAPAN.

BABALA NI LACSON KUNG HINDI AGAD MATUTUGUNAN ITO ANG KARAGDAGANG 20,000 SUNDALO AT 10,000 MGA PULIS POSIBLENG LUMAGANAP ANG BANTA SA SEGURIDAD HINDI LAMANG SA MINDANAO KUNDI MAGING SA VIZAYAS AT LUZON.

SINABI NI LACSON NA MAARI NAMAN NA ISAMA SA BUDGET NG AFP AT PNP ANG GAGASTUSIN PARA SA MGA BAGONG SUNDALO AT MGA PULIS SA NALALAPIT NA BUDGET DELIBERATION SA KAMARA AT SENADO.

 

Read 373 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.