JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
P6.4-B SMUGGLED SHABU PINALUSOT NG MGA CORRUPT CUSTOMS OFFICIALS - REP. BARBERS

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NANINIWALA SI HOUSE COMMITTEE ON DANGEROUS DRUGS ROBERT BARBERS NA PINALUSOT NG ILANG CORRUPT OFFICIALS NG BUREAU OF CUSTOMS O BOC ANG NASA P6.4-BILYONG HALAGA NG SHABU MULA SA CHINA.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI BARBERS NA BASE SA KANILANG UNANG ARAW NG PAGDINIG SA KAMARA KAHAPON, MAY MGA PROSESO ANG NILABAG KAYA NAKALABAS ITO SA CUSTOMS.

AYON PA SA KONGRESISTA, ANG NATURANG SHIPMENT AY DUMAAN SA GREEN LANE NGUNIT NANG KANILANG BUSISIIN ANG DOKUMENTO NITO AY HINDI DAPAT ITO DITO IDINAAN.

MALIBAN DITO, MAY POLISIYA ANIYA ANG CUSTOMS NA KAPAG ANG ISANG SHIPMENT AY GALING SA CHINA AY INAALERTO ANG MGA KAUKULANG AHENSYA PARA ITO AY INSPEKSYUNIN.

ANG CHINA UMANO KASI ANG PINAKAMALAKING SUPPLIER NG ILIGAL NA DROGA SA BANSA.

GAYUNMAN, BIBIGYAN PA NIYA NG KANILANG KOMITE NG PAGKAKATAON SINA BOC COMMISSIONER NICANOR FAELDON AT IBA PANG OPISYAL NA MAGPALIWANAG UKOL DITO SA MGA SUSUNOD PA NILANG PAGDINIG.

AYON PA KAY BARBERS, ORAS NA MAKAKALAP SILA NG MGA EBIDENSYANG DIREKTANG MAG-UUGNAY SA MGA OPISYAL, AY MAGREREKOMENDA SILA NG KAUKULANG AKSYON SA OFFICE OF THE OMBUDSMAN O SA OFFICE OF THE SECRETARY OF THE DEPARTMENT OF FINANCE.

Read 258 times Last modified on Wednesday, 02 August 2017 11:26
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.