JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
UNANG NAGPAPUTOK ANG SECURITY NI MAYOR PAROJINOG - LACSON

BY: JOJO SICAT

IGINIIT NI SENADOR PANFILO LACSON, CHAIRMAN NG PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS NA BASE SA KANYANG NAKUHANG IMPORMASYON AY UNANG NAGPAPUTOK SA MGA PULIS ANG SECURITY NI OZAMIZ  MAYOR REYNALDO PAROJINOG KUNG KAYA’T NAUWI ITO SA MADUGONG OPERASYON.

SA PANAYAM SA SENADO, INAMIN NI LACSON NA KUMUHA ITO NG IMPORMASYON SA MGA RESIDENTE AT SAKSI SA LUGAR KUNG SAAN NAPATUNAYAN NA UNANG NAGPAPUTOK ANG MGA TAUHAN NI MAYOR PAROJINOG.

ANIYA, KAYA MARAMING NASAWI SA HANAY NG GRUPO NG ALKALDE AY DAHIL GAWA LAMANG SA KAHOY ANG BAHAY KUNG SAAN NAGTATAGO ANG MGA TAUHAN NG MAYOR HABANG NAGPAPAPUTOK.

KASABAY NITO, SINABI PA NI LACSON NA SA KASALUKUYAN AY WALA ITONG NAKIKITANG NILABAG ANG MGA PULIS SA NATURANG OPERASYON NA IKINASAWI NG ALKALDE AT NG MGA TAUHAN NITO.

DAGDAG PA NG SENADOR, WALA ITONG DAHILAN PARA MAGSAGAWA NG PAGDINIG SA NASABING OPERASYON AT IPAUUBAYA NA LAMANG NIYA ITO SA DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) AT NATIONAL POLICE COMMISSION (NAPOLCOM).

Read 204 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.