JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DAPAT NG MAKIALAM ANG PANGULO, SIBAKIN SI FAELDON- GORDON

BY: JOJO SICAT

NANANAWAGAN SI SENADOR RICHARD GORDON, CHAIRMAN NG BLUE RIBBON COMMITTEE NA DAPAT NANG MAKIALAM SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA KONTROBERSYA SA BUREAU OF CUSTOM (BOC) KUNG NAKALUSOT ANG 600 KILO NG SHABU NA NAKUMPISKA SA WAREHOUSE SA VALENZUELA CITY NOONG NAKARAANG BUWAN NG MAYO.

NANINIWALA SI SENADOR GORDON NA MALAKING SAMPAL KAY PANGULONG DUTERTE ANG PAGKAKALUSOT NG UMAABOT SA P6.4 BILYON HALAGA NG SHABU.

ANIYA SA KABILA NG KAMPANYA NG PANGULO LABAN SA ILLEGAL DRUGS, NAKAKAGULAT NA MISMONG SA BOC AY MAY ILANG OPISYAL NA KASABWAT SA GANITONG URI NG GAWAIN.

PINUNA PA NI GORDON ANG MGA NAPAPATAY SA DROGA DAHIL SA PAGGAMIT AT PAGBEBENTA NG SACHET NG SHABU SUBALIT SA CUSTOM MISMO AY NAKAKALUSOT ANG 600 NA KILO NG SHABU.

KASABAY NITO, HINIKAYAT RIN NI GORDON ANG PANGULO NA SIBAKIN AT PALITAN NA LAMANG ANG PRESIDENTE NG BOC NA SI COMMISSIONER NICANOR FAELDON MATAPOS ANG PAGKAKALUSOT NG KONTRABANDO NG SHABU SA ILALIM NG PAMAMAHALA NITO.

Read 203 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.