JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SUSPEK SA KASONG RAPE, NADAKIP SA PARAÑAQUE

BY: JOJO SICAT

NAARESTO NG MGA AWTORIDAD ANG ISANG LALAKI NA MATAGAL NANG NAGTATAGO SA BATAS MATAPOS ANG IKINASANG OPERASYON NG PULISYA SA PARAÑAQUE CITY.

NAKILALA ANG SUSPEK NA SI JONATHAN MAGDAMIT, 41 YEARS OLD, EMPLEYADO NG INDEX SALON NA NAARESTO SA BISA NG WARRANT OF ARREST NA INISYU NG SORSOGON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH 52 PARA SA KASONG RAPE.

SA PAKIKIPAGTULUNGAN NG DONSOL MUNICIPAL POLICE STATION AY NAISAKATUPARAN ANG PAGDAKIP KAY MAGDAMIT.

SINASABING MATAGAL NANG NAGTATAGO SA BATAS SI MAGDAMIT DAHIL SA HALIP HARAPIN ANG KASO LABAN SA KANYA AY LUMUWAS ITO NG MAYNILA PARA TAKASAN ANG KANYANG PANANAGUTANG KRIMINAL.

KAYA NANG MATUNTON ANG KINAROROONAN NI MAGDAMIT SA DOÑA SOLEDAD SUBD. SA BRGY. DON BOSCO AY AGAD NA KUMILOS ANG OTORIDAD NA NAGRESULTA SA KANYANG PAGKAKAARESTO.

NAKATAKDANG DALHIN SA SORSOGON SI MAGDAMIT PARA IHARAP ITO SA KORTE KUNG SAAN NAKABINBIN ANG KANYANG KASONG RAPE.

Read 515 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.