JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
CUSTOM BROKER, ISINAILALIM SA PROTECTIVE CUSTODY NG SENADO

BY: JOJO SICAT

ISINAILALIM SA PROTECTIVE CUSTODY NG SENADO ANG LUMUTANG SA ISINAGAWANG PAGDINIG NA CUSTOM BROKER NA SI MARK RUBEN TAGUBA II UKOL SA LIKOD NG NASABAT NA 600 KILOS NG SHABU NA NAKALUSOT SA BUREAU OF CUSTOM (BOC).

INILAGAY SA PROTEKSYON NG SENADO SA TAGUBA MATAPOS ANG ISINAGAWANG EXECUTIVE SESSION KABILANG NA ANG CHAIRMAN NG BLUE RIBBON COMMITTEE NA SI SENADOR RICHARD GORDON AT ILANG SENADOR NA MIYEMBRO NG BLUE RIBBON COMMITTEE.

SA PANAYAM SINABI NI GORDON NA ISINULAT NI TAGUBA ANG MGA PANGALAN NG MGA SANGKOT SA ILLEGAL SMUGGLING AT SA ILLEGAL NA PAGPASOK NG DROGA SA BANSA NA KASABWAT ANG ILANG OPISYAL NG BUREAU OF CUSTOM (BOC) AT ILANG PRIBADONG INDIBIDWAL.

HINDI NAMAN TINUKOY NI GORDON ANG MGA PANGALAN NG BINUNYAG NI TAGUBA.

ANG OFFICE OF THE SENATE SERGEANT AT ARMS (OSSAA) NG SENADO ANG SIYANG MAGPAPATUPAD NG PROTEKSYON KAY TAGUBA.

SINABI NI GORDON NA HINDI NAMAN MANANATILI SI TAGUBA SA SENADO AT MAGKAKAROON LANG ITO NG SECURITY MATAPOS ANG PAGBUBUNYAG NITO SA EXECUTIVE SESSION

AMINADO ANG SENADOR NA MALALAGAY SA PANGANIB ANG BUHAY NI TAGUBA DAHIL SA GINAWANG REBELASYON KUNG KAYA'T NAGPASYA SILA NA ILAGAY ITO SA PROTECTIVE CUSTODY NG SENADO. 

DAGDAG PA NI GORDON NA HANDANG TUMESTIGO SI TAGUBA SA MGA SUSUNOD NA PAGDINIG NG SENADO UKOL SA NAKALUSOT NA P6.4 BILYON NA SHABU MULA SA SHIPMENT GALING CHINA.

SA PAGDINIG IDINIIN NAMAN NI TAGUBA SI RICARD TAN O RICHARD CHEN ANG MAY ARI NG HONGFEI PHILIPPINES NA SIYANG NASA LIKOD ANIYA NG KONTRABANDO NA NAGLALAMAN NG SHABU.

Read 229 times Last modified on Monday, 31 July 2017 22:10
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.