JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
VILLAR, HUMANGA SA KABATAAN NA MAY MALASAKIT SA KALIKASAN

BY: JOJO SICAT

HUMANGA SI SENADORA CYNTHIA VILLAR SA NAGING PARTISIPASYON AT PAGPAPAKITA NG MALASAKIT NG MGA KABATAAN SA INANG KALIKASAN SA GINANAP NA IKA-12 TAON PAGDIRIWANG NG WATER LILY FESTIVAL SA LUNGSOD NG LAS PINAS.

UNANG HUMANGA SI VILLAR SA ISANG BATANG BABAE NA NAKAIMBENTO NG CHARCOAL O ULING NA GAWA MULA SA WATER LILY.

ANG NATURANG CHARCOAL NA GAWA SA WATER LILY AY HINDI MAUSOK AT MATAGAL MAUBOS KUMPARA SA ORDINARYONG ULING.

ANI VILLAR NA BUKOD SA NAKAKATULONG NA ITO PARA MAIWASAN ANG WALANG HABAS NA PAMUMUTOL NG MGA PUNONG KAHOY SA KABUNDUKAN UPANG GAWING ULING NAKAKATULONG DIN ITO SA PAGBABAWAS NG MGA BAHA AT PAGLILINIS NG ILOG KUNG ANG MGA WATER LILY AY GAGAWING ALTERNATIBONG ULING SA HALIP NA PUNONG KAHOY.

DAHIL DITO BINIGYAN NG PARANGAL NG SENADORA ANG BATANG BABAE SA KANYANG NAIAMBAG PARA SA KALIKASAN.

SAMANTALA NAG PARTICIPATE DIN ANG ILANG KABATAAN MULA SA IBAT-IBANG PAARALAN SA LUNGSOD NG LAS PINAS SA STREET DANCING CONTEST AT ANG MGA BAWAT BARANGAY NAMAN MAY KALAHOK NA NAGGAGANDAHANG DILAG NA MAY SUOT NA GOWN NA YARI SA WATER LILY.

PINALAD NAMAN NA NANALO SA MS WATERLILY 2017 - SI BINIBINING HAJER ASHRAF NG BRGY. TALON DOS NA NAGWAGI NG P25,000, 1ST RUNNER UP BINIBING JEANNE TALANIA NG BARANGAY MANUYO DOS NA NAGWAGI NG P15,000 AT 2ND RUNNER UP NASI BINIBINING CHARMAINE LOUISE PERALTA  NG BARANGAY ZAPOTE AT PEOPLE'S CHOICE AWARD NASI BINIBINING PAULA LIM - NG BARANGAY TALON 5 LAS PINAS CITY.

Read 1500 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.