JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ANGARA, SINERYOSO ANG BANTA NG PANGULO

BY: JOJO SICAT

TILA SINERYOSO NI SENADOR SONNY ANGARA ANG BANTA NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA KUNG HINDI IPAPASA NG SENADO, ANG NAIS NG PALASYO NA FULL COMPREHENSIVE TAX REFORM AY MANANAGOT ITO SA SUSUNOD NA ELEKSYON.

AMINADO SI ANGARA NA TILA SERYOSO ANG BANTA NG PANGULO NA KAPAG HINDI LUMUSOT SA SENADO ANG MGA RE-ELECTIONIST SENATOR AY TILA HINDI MANANALO SA SUSUNOD NA HALALAN.

INAMIN DIN NG SENADOR NA NAPRE-PRESSURE SILA SA NAGING PAHAYAG NG PANGULO SA KANÝANG SONA.

SUBALIT IGINIIT NI ANGARA NA MANDATO NG MGA SENADOR NA IPASA ANG PANUKALANG BATAS NA TUNAY NA PAKIKINABANGAN NG MAMAMAYAN, HINDI ANG BATAS NA PAPASANIN NG TAUMBAYAN.

NAGPAHAYAG ANG ILANG SENADOR NA PABOR SA ILAN PROBISYON SA TAX REFORM PROGRAM NG ADMINISTRASYON SUBALIT KONTRA NAMAN SA ILANG PAGPAPATAW NG BUWIS TULAD NG SA PETROLYO NA TINITIYAK NG MGA MAMBABATAS NA MAAPEKTUHAN ANG MGA PANGUNAHING BILIHIN NA PAPASANIN LAMANG NG MAMAMAYAN PARTIKULAR NA ANG MGA MAHIHIRAP NA KABABAYAN.

DAGDAG PA NI ANGARA NA KUNG HINDI KUNTENTO ANG PANGULO SA KANÝA BILANG CHAIRMAN NG WASTE AND MEANS COMMITTEE SA SENADO HANDA ITONG MAGBITIW SA CHAIRMANSHIP.

Read 712 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.