JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ILANG SENADOR, NAIS NA SURIING MABUTI ANG PROPOSED COMPREHENSIVE TAX REFORM

BY: JOJO SICAT

MATAPOS ANG PAHAYAG NG PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA KANÝANG STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) KAHAPON KUNG SAAN HINIKAYAT NITO ANG MGA SENADOR NA IPASA NA ANG PROPOSED COMPREHENSIVE TAX REFORM, IGINIIT NG ILANG SENADOR NA DAPAT LAMANG NA BUSISIIN ITONG MABUTI BAGO APRUBAHAN.

SA PANAYAM, SINABI NI SENADORA GRACE POE NA HINDI BASTA-BASTA NA LAMANG NA KAPAG SINABI NG PANGULO AY AGAD NILANG SUSUNDIN DAHIL ANG NAKASALALAY DITO AY ANG KAPAKANAN NG TAUMBAYAN.

SA PANIG NI SENADOR BAM AQUINO, IGINIIT NITO NA PAPASANIN NG MGA MAGHIHIRAP NA KABABAYAN ANG ILANG PANUKALANG PAGPAPATAW NG BUWIS PARTIKULAR NA SA PETROLYO.

ANIYA NI AQUINO MAGKAKAROON NG DOMINO EFFECT ITO SA PRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN AT SA PAMASAHE NG MGA PUBLIC COMMUTERS.

MAGING SI SENADOR RICHARD GORDON AY HINDI RIN SANG AYON SA PAHAYAG NG PANGULO NA AGARANG IPASA ANG COMPREHENSIVE TAX REFORM NA NGAYON AY NAKABINBIN PA RIN SA SENADO.

SA PANIG NAMAN NI SENADOR SONNY ANGARA, ANG CHAIRMAN NG WASTE AND MEANS COMMITTEE, SINABI NITO NA GINAGAWA NAMAN NG KANÝANG KOMITE ANG LAHAT UPANG MAIPASA ANG PROPOSED TAX REFORM NG ADMINISTRASYON.

SUBALIT TRABAHO RIN ANIYA NG SENADO NA MAIPASA ANG PANUKALANG BATAS NA HINDI MASASAKTAN O MAGDUDUSA ANG MAMAYANG PILIPINO LALO NA ANG HANAY NG MGA MAHIHIRAP NA KABABAYAN.

DAGDAG PA NI ANGARA NA KUNG HINDI KUNTENTO ANG PANGULO SA KANÝANG PERFORMANCE BILANG CHAIRMAN NG WASTE AND MEANS COMMITTEE HANDA ITONG MAGBITIW SA PWESTO.

Read 1260 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.