JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGPAPALIBAN NG BRGY. AT SK ELECTON DAPAT I-CERTIFY AS URGENT NG PANGULO

BY: FELIX TAMBONGCO

UMAPELA ANG LIDERATO NG KAMARA NA I-CERTIFY AS URGENT NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG PAGPAPALIBAN SA BARANGAY AT SK ELECTION NA NAKATAKDA SA BUWAN NG OKTUBRE.

AYON KAY SPEAKER PANTALEON ALVAREZ, SA KASALUKUYAN AY MAY MGA NAKAPENDING NA PANUKALANG BATAS PARA SA PAGPAPALIBAN NG ELEKSYON NA KUNG SESERTIPIKAHAN NG PANGULO BILANG URGENT AY ISASALANG NILA AGAD SA PAGDINIG SA 2ND REGULAR SESSION O PAGKATAPOS NG IKALAWANG STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) NG PANGULO SA JULY 24.

UNA NANG IPINAHAYAG NG PANGULO NA MARAMING BARANGAY OFFICIALS SA BUONG BANSA ANG MAY KAUGNAYAN SA ILEGAL NA DROGA AT HINDI NA DAPAT MANATILI ANG MGA ITO SA POSISYON.

SAKALI UMANONG MATULOY ANG ELEKSYON, TIYAK NA DRUG MONEY NA NAMAN ANG GAGAMITIN PARA MULING MALAGAY ANG MGA ITO SA POSISYON.

AYON KAY ALVAREZ, KUNG ANG ELEKSYON SA OKTUBRE AY MAIPAGPAPALIBAN, KAILANGAN RING MAGTALAGA NG MGA OFFICER IN CHARGE (OIC) DAHIL TAPOS NA ANG TERMINO NG MGA INCUMBENT BARANGAY OFFICIAL.

MANANATILI ANG OIC SA POSISYON MATAPOS ANG ELEKSYON NG MGA BAGONG BARANGAY OFFICIALS.

MALIBAN SA MAAALIS NA ANG IMPLUWENSYA NG DRUG LORDS SA MGA BARANGAY, MAKAKATIPID PA ANG PAMAHALAAN SA GAGASTUSIN SA ELEKSYON.

AYON PA SA OPISYAL, MAGING SI SENATE PRESIDENT AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III AY NAKAUSAP NIYA AT PABOR DIN ITO SA PAGPAPALIBAN NG BARANGAY AT SK ELECTION.

Read 191 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.