JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BANTA NG LOCAL AT INTERNATIONAL TERRORIST, DAHILAN NG ML EXTENSION

BY: FELIX TAMBONGCO

PATULOY NA BANTA NG LOCAL AT INTERNATIONAL TERRORIST ANG ISA SA PANGUNAHING DAHILAN NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE PARA HILINGIN NA PALAWIGIN PA ANG MARTIAL LAW AT SUSPENSYON NG WRIT OF HABEAS CORPUS SA MINDANAO HANGGANG DECEMBER 31, 2017 AT PARA MAPROTEKTAHAN AT MAPANATILI ANG INTEGRIDAD NG BANSA.

SA 7 PAHINANG LIHAM NG PANGULO KAY HOUSE SPEAKER PANTALEON ALVAREZ, IPINALIWANAG NITO NA MAY MGA GRUPONG LUMALAHOK SA ARMED RESISTANCE SA MARAWI CITY AT IBA PANG BAHAGI NG WESTERN AT CENTRAL MINDANAO.

KABILANG SA MGA GRUPONG ITO ANG NA IDENTIFY NA 20 INDONESEAN FIGHTERS AT GRUPO NA SUMUSUPORTA SA GRUPO NI HAPILON AT ANG MALAYSIAN TERRORIST NA SI MAHMUD BIN AHMAD NA PINANINIWALAANG NAGPAPLANO AT NAGPOPONDO SA MARAWI SIEGE. 

AYON SA PANGULO SA PANAHON NG IMPLEMENTASYON NG ML, ANG MGA GOVERNMENT FORCES AY NAKA NEUTRALIZE NG MGA TERORISTANG GRUPO TULAD NG DAHWATUL ISLAMIYYAH WILAYATUL MASHRIQ (DIWM) DAESH-INSPIRED GROUP NA KINABIBILANGAN NG MAUTE GROUP, MGA ELEMENTO NG ABU SAYYAF GROUP, AT ANSAR AL-KHILAFAH PHILIPPINES (AKP), AT ANG BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS (BIFF) AT KANILANG SUPPORT STRUCTURES.

SINABI NG PANGULO NA SA KABILA NG NAKAKAMIT NA TAGUMPAY LABAN SA TERORISTA AT MGA SYMPATHIZER NITO AY MARAMI PANG NATITIRA NA DAPAT TAPUSIN PARA MAIBALIK ANG PUBLIC ORDER AT SAFETY SA MINDANAO.

MULA MAY 23, 2017 HANGGANG JULY 10, 2017, ANG MGA OPERASYON NG AFP AY NAKA-NEUTRALIZED NG 379 SA TINATAYANG 600 DIWM REBELS AT NAKARECOVER NG 329 FIREARMS.

KAALINSABAY NITO'Y HINILING NI PANGULONG DUTERTE SA KANYANG MGA KAALYADO NA PINAMUMUNUAN NI SPEAKER ALVAREZ AT SENATE PRESIDENT AQUILINO III NA PALAWIGIN PA ANG ML KASUNOD NG REKOMENDASYON NG KALIHIM NG DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE (DND) AT NG CHIEF NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE.

SAMANTALA, NAKATAKDANG MAGSAGAWA NG JOINT SESSION ANG KONGRESO SA DARATING NA SABADO KASABAY NG PAGTATAPOS NG 60 DAYS NG PROCLAMATION 213, BATAY NA RIN SA NAGING KAHILINGAN NG PANGULO.

Read 2067 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.