JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ANO ANG SONA
BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

ANG SONA O STATE OF THE NATION ADDRESS AY TAUNANG TALUMPATI NG NAKATALAGANG PRESIDENTE NG PILIPINAS SA ISANG MAGKASAMANG SESYON NG KONGRESO NG PILIPINAS. ITO AY GINAGANAP TUWING IKA-APAT NG LUNES NG HULYO SA PLENARY HALL NG BATASANG PAMBANSA COMPLEX SA BATASAN HILLS, QUEZON CITY, METRO MANILA. 

SINIMULAN ITO NOONG NOVEMBER 25, 1935 NI DATING PANGULONG MANUEL L. QUEZON. 

SI DATING PANGULONG FERDINAND MARCOS ANG MAY PINAKAMARAMING SONA NA NAGANAP KUNG SAAN NAGKAROON ITO NG DALAWAPU (20) SONA HABANG SI DATING PANGULONG SERGIO OSMENA AY MAY ISANG BESES LAMANG. MAYROON NAMANG HINDI NAGSAGAWA NG SONA --- ITO AY SINA DATING PANGULONG EMILIO AGUINALDO AT JOSE P. LAUREL.

ANG TAUNANG SONA AY INIHAHAYAG SA WIKANG INGLES NG MGA PRESIDENTE. NGUNIT SIMULA NOONG 2009 AY SINIMULAN NANG GAMITIN ANG WIKANG FILIPINO DITO. SI DATING PANGULONG BENIGNO AQUINO III ANG UNANG PRESIDENTENG GUMAMIT NG WIKANG FILIPINO SA KANYANG SONA. GINAMIT NIYA ITO SA KANYANG ANIM NA TALUMPATI SIMULA 2010 HANGGANG 2015.

ANG MAY PINAKA-MAHABANG TALUMPATI NAMAN AY ISINIGAWA NI DATING PANGULONG MARCOS NOONG 1969 NA MAYROONG SUMATOTAL NA 29,335 NA SALITA. KAIBAHAN ITO KAY DATING PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO NOONG 2005 NA MAYROON LAMANG 1,551 SALITA --- PINAKA MAIKLING TALUMPATI.

ANG SONA AY GINAGAWA UPANG MAIHAYAG NG PRESIDENTE KUNG ANO ANG KASULUKAYANG SITWASYON PANG-EKONOMIKAL, PULITIKAL AT PANG-SOSYAL NA KONDISYON. ITO RIN AY PARA MAIPRESENTA NG KASALUKUYANG PANGULO ANG KANYANG MGA NAGAWA O MAGAGAWA PA LANG AT MGA PLANO SA KANYANG BUONG TERMINO NG PAGKAKAUPO. 

Read 2507 times Last modified on Friday, 21 July 2017 04:21
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.