JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
BACK-CHANNEL TALKS SA PAGITAN NG GOBYERNO AT CPP-NPA-NDFP, DAPAT ITULOY AYON KAY SATUR OCAMPO

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NANINIWALA SI DATING NDFP CONSULTANT AT BAYAN MUNA REPRESENTATIVE SATUR OCAMPO NA DAPAT IPAGPATULOY ANG BACK-CHANNEL TALKS SA PAGITAN NG GOBYERNO AT CPP-NPA-NDFP.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI OCAMPO NA DAPAT AY TULOY PA RIN ANG PAG-UUSAP NG DALAWANG PANIG UPANG HINDI TULUYANG BUMAGSAK ANG USAPANG PANGKAPAYAPAAN.

PALIWANAG NI OCAMPO, HINDI KASI NAGKASUNDO ANG PAMAHALAAN AT REBELDENG GRUPO HINGGIL SA PAGPAPATUPAD NG CEASEFIRE BAGO ANG PAGGULONG NG 5TH ROUND NG PEACE TALKS KAYA NAGPATULOY ANG PAG-ATAKE NG NPA SA TROPA NG GOBYERNO.

GAYUNMAN, HINDI PA RIN DAPAT SUSPENDIHIN ANG BACK-CHANNEL TALKS DAHIL KAILANGANG NAPAG-UUSAPAN AGAD ANG MGA KAHALINTULAD NA PANGYAYARI PARA MAGKA-UNAWAAN.

SA KABILA NITO, UMAASA SI OCAMPO NA KAPAG HUMUPA NA ANG TENSYON SA DALAWANG PANIG AY GUGULONG NA MULI ANG USAPANG PANGKAPAYAAN SA PAGITAN NG GOBYERNO AT NG MGA REBELDENG GRUPO.

Read 1232 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.