JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
GASTOS SA MAGARBONG KASUOTAN SA SONA, IBIGAY NA LAMANG SA MGA BIKTIMA SA MARAWI, AYON KAY SPEAKER ALVAREZ

BY: FELIX TAMBONGCO 

HINIKAYAT NG LIDERATO NG KAMARA ANG MGA DADALO SA IKALAWANG STATE OF THE NATION ADDRESS NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA MAGBIHIS NG SIMPLENG BUSINESS ATTIRE.

AYON KAY ALVAREZ, SA HALIP NA GUMASTOS ANG MGA GUEST SA MAMAHALING DESIGNER NG DAMIT, MAS MAIGI UMANO NA MAGSUOT NA LAMANG NG SIMPLE.

ANG MATITIPID UMANO AY I-DONATE NA LAMANG SA MGA BIKTIMA NG DIGMAAN SA MARAWI.

INULIT NI ALVAREZ ANG KANYANG PANAWAGAN MATAPOS NA MAGKAROON NG MISINTERPRETASYON SA MGA NAGLABASANG BALITA NA PINAPAYAGAN NA ANG PAGSUSUOT NG MAGAGARBONG KASUOTAN SA SONA.

UNA NG HINIKAYAT NG PUBLIC RELATION AND INFORMATION BUREAU NG KAMARA SA ISINAGAWANG PRE-SONA CONFERENCE ANG MGA DADALO AT MGA MEDIA NA MAGKOCOVER SA SONA NA MAGSUOT NA LAMANG NG POLO BARONG ANG MGA LALAKI AT BUSINESS ATTIRE NAMAN PARA SA KABABAIHAN.

MAGUGUNITANG NOONG MGA NAKARAANG SONA SA MGA NAGDAANG ADMINISTRASYON AY NAGSILBING FASHION SHOW ANG SONA DAHIL SA MAGAGARBONG KASUOTAN NG MGA KONGRESISTA AT MAGING NG KANILANG MGA BISITA.

 

 

 

 

 

Read 355 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.