JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
NETIZENS, UMALMA SA PLANONG PAGTANGGAL NG UBER AT GRAB

BY: CHARIESE DENNIEL BARRIENTOS

NAGING MAINIT NA USAPIN NGAYON SA SOCIAL NETWORKING SITE NA TWITTER ANG #WEWANTUBERGRAB.

ITO AY MATAPOS MAGLABAS NG PAHAYAG ANG LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD (LTFRB) NA HUHULIHIN NILA ANG MGA DRIVER NA MAMAMASADA SA ILALIM NG TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICE (TNVS) NA GRAB AT UBER. 

MAI-IMPOUND DIN ANG KANILANG MGA SASAKYAN KUNG PIPILITIN NILANG MAGPATULOY SA KANILANG OPERASYON SA KABILA NG KAWALAN NG PRANGKISA.

DAHIL DITO, SAMU’T-SARING OPINION ANG KUMALAT SA SOCIAL MEDIA WEBSITES. KARAMIHAN NGA RITOÝ NEGATIBO AT TILA HINDI SANG-AYON SA NAGING DESISYON NG LTFRB. 

GAYA NA LAMANG NG ILANG MGA TWEETS MULA SA TRENDING TOPIC NA #WEWANTUBERGRAB AT #WEWANTGRABUBER

ISA NA RITO ANG PAGTUTOL NI @ANALAGBAO NA NAG-TWEET NG, “#WEWANTUBERGRAB  IT’S HASSLE FREE, MORE CONVENIENT AND WE FEEL MORE SAFE. WE DESERVE BETTER @LTFRB DON’T DEPRIVE US OUR NEEDS.” 

MAGING ANG CELEBRITY NA SI COLEEN GARCIA AT MISS WORLD 2013 MEGAN YOUNG AY DI RIN NAIWASANG MAGLABAS NG KANYANG OPINYON.  

ANI @COLEENGARCIA, “I USED TO RIDE REGULAR TAXIS ALONE EVERY SINGLE DAY TO GET AROUND, AND ON MOST DAYS, THEY DID NOT MAKE ME FEEL SAFE. #WEWANTUBERGRAB.”

"I USE THEIR SERVICES ALMOST EVERYDAY! IT'S BEEN SUCH A CONVENIENCE ESP WITH LIMITED PARKING, TRAFFIC AND CODING. #WEWANTGRABUBER" TWEET NI @MEGANBATA

SAMANTALA, PLANO NAMANG IPATAWAG NI SEN. JV EJERCITO ANG LTFRB AT MGA OPISYAL NG UBER AT GRAB SA PAGLALAYONG MALUTAS SA MAPAYAPANG PARAAN ANG IKINAKASANG SERVICE BAN NG LTFRB SA DALAWANG KUMPANIYA.

NAIS NI EJERCITO NA MAGKAROON NG KOMPROMISO SA MAGKABILANG KAMPO AT GAYUNDIN MASOLUSYONAN ANG MGA PAGKUKULANG SA PUBLIC TRANSPORTATION PARA SA LALONG IKAGAGANDA NG SERBISYO AT SEGURIDAD NG MGA COMMUTERS.

 

 

Read 6868 times
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.