JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LACSON, HINDI SANG-AYON SA MAMASAPANO REINVESTIGATION

BY: JOJO SICAT

HINDI PABOR SI SENADOR PANFILO LACSON SA NAIS NI SENADOR RICHARD GORDON NA MULIMG BUKSAN SA IKATLONG PAGKAKATAON ANG IMBESTIGASYON SA MAMASAPANO INCIDENT KUNG SAAN LABING APAT (44) NA MIYEMBRO NG PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) – SPECIAL ACTION FORCE (SAF) ANG NASAWI.

IGINIIT NI LACSON NA ANG NAKARAANG DALAWANG (2) PAGDINIG NOONG 16TH CONGRESS SA PAMUMUNO NI SENADOR GRACE POE BILANG CHAIR NG COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS AY WALANG NA-ACHIEVE, ANO PA KAYA ANG IKATLONG PAGDINIG NA HINAHANGAD NI GORDON.

ANIYA, NAISAMPA NA NG OMBUDSMAN ANG KASO LABAN SA DATING PANGULONG BENIGNO NOYNOY AQUINO III SA SANDIGANBAYAN SA PAGKAKASAWI NG 44 SAF TROOPERS KUNG KAYA’T MAS MAKAKABUTI ANIYA NA IPAUBAYA NA LAMANG ITO SA KORTE.

MAGUGUNITA NA LUMABAS SA PAGDINIG SA SENADO NA KINAUSAP NI PANGULONG AQUINO ANG SUSPENDIDONG SI DATING PNP CHIEF ALAN PURISIMA UKOL SA OPERASYON NG SAF TROOPERS SA MAMASAPANO MAGUINDANAO NA IKINASAWI NG 44 SAF TROOPERS NA IKINASAWI RIN NG INTERNATIONAL BOMB EXPERT TERRORIST NASI SULKIFLI BINHIR ALYAS MARWAN.

LUMABAS NA HINDI IPINAALAM NILA PNOY AT PURISIMA SA DATING OIC PNP CHIEF AT DATING AFP CHIEF ANG NATURANG OPERASYON NA NAUWI SA PAGKAKASAWI SA HANAY NG TROPA NG GOBYERNO LABAN SA GRUPO NG MILF AT PRIVATE ARMY.

Read 993 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.