JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SOTTO, NANINIWALA NA KAILANGAN NA I-EXTEND ANG MARTIAL LAW SA MINDANAO

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADOR VICENTE TITO SOTTO III NA KINAKAILANGAN NA I-EXTEND ANG MARTIAL LAW SA MINDANAO.

AYON KAY SOTTO, MATINDI ANG INTELLIGENCE REPORT NA BINANGGIT SA KANILA NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE KUNG KAYA’T MAY SAPAT NA BASEHAN NA PALAWIGIN ANG BATAS MILITAR SA MINDANAO PARTIKULAR NA SA ZAMBOANGA AT JOLO.

NAUNA NANG SINABI NI SOTTO NA MAGPAPATAWAG NG SPECIAL SESSION SI PANGULONG DUTERTE SA SABADO, HULYO 22, ALAS 9:00 NG UMAGA PARA TALAKAYIN ANG MARTIAL LAW EXTENSION NA MAARING TUMAGAL MULI NG ANIMNAPUNG (60) ARAW MATAPOS ANG PAKIKIPAG-USAP NG MAJORITY COALITION SA PANGULO KAHAPON SA MALACAÑANG.

SA SABADO MAG-E-EXPIRE ANG 60-DAY MARTIAL LAW PERIOD NA UNA NANG IDINEKLARA NG PANGULO MATAPOS ANG PAGSALAKAY NG MAUTE TERRORIST GROUP SA MARAWI CITY NOONG MAYO 23.

DAHIL NAKA-SINE DIE BREAK ANG KONGRESO AT MAGBABALIK SESYON SA HULYO 24. NAIS NA NG PANGULO NA AGAD MATALAKAY ANG ISYU SA PAMAMAGITAN NG SPECIAL SESSION.

SA ILALIM NG SALIGANG BATAS, OBLIGADO ANG PANGULO NA DUMULOG SA KONGRESO PARA PALAWIGIN ANG DEKLARASYON NG BATAS MILITAR.

Read 321 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.