JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
JOINT REGULAR SESSION SA ML EXTENSION, ILANG KONGRESISTA NAGPAHAYAG NG REAKSYON

BY: FELIX TAMBONGCO

KINUMPIRMA NI HOUSE MAJORITY LEADER RODOLFO FARIÑAS NA NAGPATAWAG SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NG ISANG JOINT SPECIAL SESSION SA JUNE 22, ALAS 9 NG UMAGA.

ITOÝ MATAPOS NA IPATAWAG NG PANGULO SINA FARIÑAS, SENATE PRESIDENT KOKO PIMENTEL, SPEAKER PANTALEON ALVAREZ, SEN. TITO SOTTO, EXECUTIVE SECRETARY SALVADOR MEDIALDEA, DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALAN PETER CAYETANO TUNGKOL SA REQUEST NG EKSTENSYON.

MAY KAUGNAYAN ITO SA PLANONG PAGPAPALAWIG NG MARTIAL LAW (ML) SA REHIYON NG MINDANAO.

AYON KAY FARIÑAS, HINIHINTAY PA NILA ANG PORMAL NA LIHAM MULA SA PANGULO KUNG ILANG ARAW ANG GAGAWING EKSTENSYON.

KAUGNAY NITOÝ NAGPAHAYAG NG KANILANG REAKSYON ANG ILANG MAMBABATAS SA PLANONG EKSTENSYON, AYON KAY AKO BIKOL REP. RODEL BATOCABE, TAMA LAMANG ANG PAGPAPATAWAG NG SPECIAL SESSION DAHIL ITO ANG NAAAYON SA KONSTITUSYON.

SINABI NAMAN NI REP. HARRY ROQUE NA ITO AY NAAAYON SA KONSTITUSYON AT UMAASA SIYA NA TUTUKUYIN NG PANGULO ANG DURATION AT GEOGRAPHICAL SCOPE NG EXTENSION.

PARA NAMAN KAY MAGDALO REP. GARRY ALEJANO, SANA MAGKAROON NG SAPAT NA TALAKAYAN  PARA MAIBIGAY NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) O NG MALACAÑANG SA TUNAY NA SITWASYON SA MARAWI AT SA BUONG MINDANAO BAGO IKONSIDERA ANG EKSTENSYON.

KUNG MAPATUNAYAN UMANO NG AFP NA NAKATULONG ANG ML NGUNIT DI PA NILA CONTROL ANG SITUATION AT KAILANGAN NG MAIKLING PANAHON NG EKSTENSYON, SANA SA  MARAWI O LANAO LAMANG.

AYON NAMAN KAY ANAKPAWIS REP. AYIK CASILAO, CONSISTENT SILA SA PAGTUTOL SA PAGKAKAROON NG ML AT SA EKSTENSYON NITO.

 

Read 171 times Last modified on Tuesday, 18 July 2017 08:00
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.