JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SPEAKER ALVAREZ, NANINIWALA NA MAY IBA PANG MATAAS NA OPISYAL NA SANGKOT SA ANOMALYA SA BIR

BY: FELIX TAMBONGCO

NANINIWALA SI HOUSE SPEAKER PANTALEON “BEBOT” ALVAREZ NA MAY OPISYAL NA MAS MATAAS PA SA MGA OPISYALES NG BUREAU OF INTERNAL REVENUE (BIR) NA SANGKOT SA UMANOÝ REDUCTION TAX LIABILITIES NG DEL MONTE PHILIPPINES INC. (DMPI).

SA NANGYARING TAX REDUCTION, PINAGBAYAD LAMANG ANG DMPI NG P65.4 MILLION SA KABILA NA ANG ASSESSMENT SA TAX DEFICIENCY LIABILITIES MULA 2011 HANGGANG 2013 AY UMAABOT SA  P29 BILYON.

HINDI NAMAN TINUKOY NI ALVAREZ KUNG SINO ANG MAS MATAAS NA OPISYAL ANG SINASABING NASA LIKURAN NG MAANOMALYANG TRANSAKSYON.

MAGUGUNITANG NANAWAGAN ANG SPEAKER SA HOUSE COMMITTEES ON WAYS AND MEANS AT SA COMMITTEE ON GOOD GOVERNMENT AND PUBLIC ACCOUNTABILITY NA MAGSAGAWA NG IMBESTIGASYON SA NATURANG ALEGASYON.

ITOÝ MAKARAANG IPAGHARAP NG KASONG PLUNDER SA OMBUDSMAN SI INTERNAL REVENUE COMMISSIONER CAESAR R. DULAY KABILANG ANG LABINPITO (17) PA NITONG TAUHAN.

TINITINGNAN NA RIN NI FINANCE SEC. CARLOS G. DOMINGUEZ III ANG PLUNDER COMPLAINT NA INIHAIN LABAN SA KANÝANG MGA TAUHAN.

UNA NANG PINABULAANAN NG DMPI ANG AKUSASYON SA UMANOÝ IREGULARIDAD NILA SA BUWIS NOONG 2011 HANGGANG 2013.

Read 318 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.