JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
NATIONWIDE SMOKING BAN IPATUTUPAD NA SA JULY 22, DRY RUN MUNA BUKAS AYON SA DOH

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NILINAW NG DEPARTMENT OF HEALTH O DOH NA DRY RUN MUNA ANG ISASAGAWA NILA BUKAS AT HINDI FULL IMPLEMENTATION NG NATIONWIDE SMOKING BAN.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DOH ASSISTANT SECRETARY ERIC TAYAG NA BINEBERIPIKA PA NILA KUNG KAILAN NAILIMBAG SA MGA PAHAYAGAN ANG NATURANG EXECUTIVE ORDER UPANG MATIYAK NA MABUTI ANG EFFICTIVITY NITO. 

NALAGDAAN UMANO KASI NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ANG NATURANG EO NOONG MAY 16 NGUNIT NANG TINGNAN NILA AY MAY 23 PA ITO NAILIMBAG SA PAHAYAGAN.

KUNG GANOON ANIYA ANG NANGYARI AY SA JULY 22 PA ITO EPEKTIBO SUBALIT AYON KAY TAYAG AY PWEDE MUNANG MAGPRAKTIS MUNA ANG PERSONS OF AUTHORITY SA PAGPAPATUPAD NITO SIMULA BUKAS.

KAUGNAY NITO, SINABI RIN NI TAYAG NA LAHAT NG PAMAHALAANG LOKAL AY DAPAT MAGTALAGA NG SMOKE FREE TASK FORCE NA SIYANG MANINITA AT MANGHUHULI NG MGA LALABAG SA NATURANG BATAS.

DAGDAG PA NI TAYAG, MAY RESPONSIBILIDAD DIN ANG MGA ADMINISTRATOR AT MANAGERS NG MGA GUSALI AT ESTABLISIMYENTO NA MANITA SA MGA NANINIGARILYO SA LABAS NG DESIGNATED SMOKING AREAS (DSAs).

PAYO PA NG ASSISTANT SECRETARY SA MGA MAY-ARI NG PUBLIC PLACES, KUNG WALA PANG DSAS AY IPAGBAWAL MUNA ANG PANINIGARILYO SA KANILANG MGA GUSALI AT ESTABLISIMYENTO UPANG HINDI MAPATAWAN NG PAGLABAG SA NATURANG BATAS.

PAALALA DIN NI TAYAG, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ANG PAGBEBENTA NG SIGARILYO SA MGA MENOR-DE-EDAD.

Read 251 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.