JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
AFP, HINDI ITITIGIL ANG AIRSTRIKES SA MARAWI

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

TULOY PA RIN ANG PAGSASAGAWA NG AIRSTRIKES NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) SA MARAWI CITY.

ITO’Y SA KABILA NG PUMALYA MULING AIRSTRIKE SA LUNGSOD KAHAPON NG TANGHALI NA IKINASAWI NG DALAWANG (2) SUNDALO AT IKINASUGAT NG LABING ISANG (11) IBA PA.

AYON KAY AFP PUBLIC AFFAIRS OFFICE CHIEF COL. EDGARD AREVALO, GROUNDED NA SA NGAYON ANG AIRCRAFT NA GINAMIT SA SUMABLAY NA AIRSTRIKE KAHAPON AT MAY IBA PA SILANG JET FIGHTERS ANG MAGAGAMIT NG MILITAR PARA SA KANILANG OPERASYON.

KASABAY NITO, IPINALIWANAG DIN NI AREVALO NA ANG KANILANG ISINASAGAWANG AIRSTRIKE AY GINAGAMIT LAMANG SA MGA CONCENTRATED AREAS AT HINDI SA PANGKALAHATANG OPERASYON.

BAGAMAT HINDI NAMAN NAGBIGAY NG IBA PANG DETALYE SI AREVALO AY TINIYAK NAMAN NITO NA NAGSASAGAWA NA SILA NG PAUNANG IMBESTIGASYON SA INSIDENTE UPANG MASIGURO NA HINDI NA ITO MAULIT PA.

Read 228 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.