JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
AFP SISIKAPING MATAPOS ANG MARAWI CRISIS SA LOOB NG 15 ARAW

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

SISIKAPIN NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES O AFP NA MATAPOS ANG KRISIS SA MARAWI CITY SA LOOB NG 15 DAYS. 

ITO ANG INIHAYAG NI JOINT TASK FORCE MARAWI SPOKESPERSON LT. COL. JO-AR HERRERA KASUNOD NG PAHAYAG NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE NA KAILANGAN PA NG 10-15 ARAW UPANG TULUYAN NANG MAGWAKAS ANG BAKBAKAN LABAN SA MAUTE TERROR GROUP SA NASABING LUNGSOD.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI HERRERA NA BAGAMAT NAIS NA DIN NILANG MABAWI ANG MARAWI SA LALONG MADALING PANAHON AY PANGUNAHING KONSIDERASYON NILA ANG MAILIGTAS ANG BUHAY NG MGA SIBILYANG NAIIPIT SA BAKBAKAN.

AYAW DIN ANIYA NILANG MASIRA ANG MGA KABAHAYAN AT MGA GUSALI SA LUNGSOD.

PAHIRAPAN DIN ANIYA ANG PAG-CLEAR SA MGA KABAHAYAN AT GUSALI SA MAIN BATTLE AREA DAHIL NA RIN SA MGA INIIWANG IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE O IED NG MGA TERORISTA.

GAYUNMAN, AYON KAY HERRERA AY NABAWI NILA ANG 54 MGA GUSALI AT BAHAY NA PINAGKUTAAN NG ISIS-INSPIRED GROUP SA WAR ZONE.

SA PAGTATAYA NAMAN NG MILITAR, NASA 70 NA LAMANG NA MGA TERORISTA ANG NASA MARAWI CITY.

Read 386 times Last modified on Wednesday, 12 July 2017 11:07
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.