JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
20 INTERNATIONAL TERRORISTS ANG NASA MARAWI - LT. GEN. GALVEZ

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

PATULOY PA RIN SA PAGSASAGAWA NG AIRSTRIKE ANG MILITAR SA MARAWI CITY.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI WESTMINCOM COMMANDER LT. GEN. CARLITO GALVEZ NA PATULOY ANG OPERASYON NILA KONTRA MAUTE TERROR GROUP UPANG TULUYAN NANG MABAWI ANG NASABING LUNGSOD.

PALIWANAG PA NI GALVEZ NA PANGUNAHING PUNTIRYA NG KANILANG AIRSTRIKE ANG MGA LUGAR NA PINAGKUKUTAAN NG MGA TERORISTA O IMBAKAN NG MGA MODERNONG ARMAS NITO.

ANIYA, MATAAS DIN NA ANTAS NA WAR FIGHTING ANG KINAKAHARAP NG MILITAR SA NASABING LUNGSOD DAHIL SA PRESENSYA NG NASA DALAWAMPUNG (20) INTERNATIONAL TERRORISTS NA SANAY SA URBAN WARFARE.

AYON PA KAY GALVEZ, ANG MGA FOREIGNERS NA ITO NA TUMUTULONG SA ISIS-INSPIRED GROUP AY FUNDAMENTALISTS MULA SA MALAYSIA, INDONESIA, SINGAPORE, CHECHEN SA RUSSIA, AT SAUDI ARABIA

SA NGAYON AY NASA 384 TERORISTA NA ANIYA ANG NAITALA NG MILITAR NA NAPATAY SA MAHIGIT ISANG BUWANG BAKBAKAN SA MARAWI.

Read 96 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.