JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
2 RESOLUSYON TATALAKAYIN SA 13TH AIPA ASSEMBLY

BY: FELIX TAMBONGCO

TATALAKAYIN BUKAS, JULY 6, NG MGA MIYEMBRO NG  ASEAN INTER-PARLIAMENTARY ASSEMBLY (AIPA) FACT FINDING COMMITTEE ANG DALAWANG MAHALAGANG RESOLUSYON PARA LABANAN ANG LUMALALANG PROBLEMA SA REHIYON.

BAHAGI ITO NG 13TH AIPA ASSEMBLY NA GINAGANAP SA CONRAD HOTEL SA LUNGSOD NG PASAY NA NAGSIMULA NOONG JULY 4 AT MAGTATAPOS SA JULY 8.

AYON KAY SURIGAO REP. ROBERT ACE BARBERS, CHAIRMAN NG HOUSE COMMITTEE ON DANGEROUS DRUGS, ANG UNANG RESOLUSYON NA NAKATAKDANG PAGTIBAYIN AY NANANAWAGAN PARA SA INCLUSIVE PARTNERSHIP SA PAGKAMIT NG DRUG-FREE ASEAN COMMUNITY NA KINIKILALA NG AIPA NA NANGANGAILANGAN NG HOLISTIC APPROACH.

KINIKILALA RIN NG AIPA ANG PANGANGAILANGAN NG SUPORTA AT KOOPERASYON HINDI LAMANG NG NATAIONAL GOVERNMENT AT MGA LAW ENFORCEMENT AGENCY KUNDI MAGING NG PRIVATE SECTOR, NON-GOVERNMENT AT CIVIL SOCIETY ORGANIZATIONS, AT LOCAL COMMUNITIES.

ANG PAGLABAN RIN SA ILEGAL NA DROGA AY NANGANGAHULUGAN NG PAGKAKAROON NG  LEGAL NA SUPORTA NG MGA KASAPING BANSA AT BAHAGINAN NG INTELLIGENCE INFORMATION, INVESTIGATIONS AT JOINT OPERATIONS LABAN SA ILIGAL NA DROGA GANUN DIN ANG PAGLIKHA NG BATAS O PAG AMYENDA NG BATAS KONTRA DROGA.

ANG IKALAWANG RESOLUSYON NAMAN AY NANANAWAGAN NA ITRANSPORMA ANG AIFOCOM SA PAGIGING AIPA ADVISORY COUNCIL ON DANGEROUS DRUGS (AIPACODD) AT PAGPAPALAKAS NG TUNGKULIN AT MANDATO BILANG PARLIAMENTARY TOOL PARA LABANAN ANG ILIGAL NA DROGA. 

ANG AIPCODD AY MAGSISILBING SENTRO PARA I-REVIEW ANG MGA UMIIRAL NA BATAS GANUN DIN ANG IMPLENTASYON NITO SA ASEAN COUNTRY.

ANG 10 BANSA NA KASAPI NG AIPA AY ANG BRUNEI DARUSSALAM, CAMBODIA, INDONESIA, LAO PDR, MALAYSIA, MYANMAR, PHILIPPINES, SINGAPORE, THAILAND AT VIETNAM.

Read 373 times Last modified on Wednesday, 05 July 2017 13:02
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.