JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DESISYON NG SC MAKAKATULONG SA MARAWI CRISIS - ANGARA

BY: JOJO SICAT

NANINIWALA SI SENADOR SONNY ANGARA NA MAKAKATULONG SA MARAWI CRISIS ANG PABORABLENG DESISYON NG KORTE SUPREMA SA IDINEKLARANG MATIAL LAW SA MINDANAO.

AYON KAY ANGARA, SANA AY MAGSILBI ITONG PAMPALAKAS NG DETERMINASYON NG MGA SUNDALONG SUMASABAK SA MGA MAUTE TERROR GROUP.

PALIWANAG NG SENADOR, MAYORYA SA MGA PINOY AY SUPORTADO ANG DEKLARASYON NG MARTAIL LAW KUNG KAYA MALAKING TULONG ITO PARA MATAPOS NA ANG PROBLEMA SA MARAWI.

SA BOTONG 14-1, IDINEKLARA NG SC NA MAYROONG SAPAT NA FACTUAL BASIS ANG IDINEKLARANG ML NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA MINDANAO MATAPOS PASUKIN NG MAUTE TERROR GROUP ANG SYUDAD AT MAGHASIK NG KAGULUHAN.

SAMANTALA, SINABI NAMAN NI SENADOR JUAN MIGUEL ZUBIRI NA DAHIL SA PABORABLENG DESISYON NG SC, MAAARI NANG MAIPAGPATULOY NG TROPA NG PAMAHALAAN ANG KANILANG OPERASYON KONTRA MAUTE NG WALA NANG ANUMANG BAHID NG PAGDUDUDA SA KANILANG MANDATO

PALIWANAG NI ZUBIRI, SA NGAYON MAS MATUTUTUKAN NA NG TROPA NG PAMAHALAAN ANG PAGPUKSA SA MGA TERORISTA AT MAUMPISAHAN NA ANG REHAB SA MARAWI AT MAIBALIK NA SA NORMAL ANG BUHAY NG MGA APEKTADONG RESIDENTE SA LUGAR.

Read 367 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.