JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
ETHICS COMPLAINT LABAN KAY TRILLANES POSIBLE - SOTTO

BY: JOJO SICAT

SINABI NI SENADOR VICENTE TITO SOTTO III CHAIRMAN NG ETHICS COMMITTEE SA SENADO NA POSIBLENG MASAMPAHAN NG REKLAMO SA KANYANG KOMITE O ETHICS COMPLAINT SI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV SA NAGING PAHAYAG NITO LABAN SA MGA KAPWA MAMBABATAS SA MATAAS NA KAPULUNGAN NG KONGRESO.

SUBALIT IGINIIT NI SOTTO NA KANYA NA LAMANG AANTAYIN KUNG MAY MAGSASAMPA NG REKLAMO KAY TRILLANES SA ETHICS.

ANIYA, HINDI LAMANG KAY TRILLANES KUNDI MAGING SA ILANG KAPWA SENADOR AY TATANGGAPIN ANG LAHAT NG REKLAMO NA ISASAMPA SA ETHICS COMMITTEE.

SA ISYU NAMAN NG PAGSASABI NI TRILLANES NA SUNOD-SUNURAN O MISTULANG PUPPET ANG MGA SENADOR NG DUTERTE ADMINISTRATION, SINABI NI SOTTO NA HINDI NA NITO PAPATULAN ANG KAPWA SENADOR .

SUBALIT IPINAALALA NI SOTTO KAY TRILLANES NA KUNG MAGTUTURO ITO SA KAPWA MAMBABATAS, ALALAHANIN NITO NA ANG TATLONG DALIRI NITO AY NAKATURO MISMO KAY TRILLANES.

Read 341 times Last modified on Wednesday, 05 July 2017 09:15
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.