JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAHAYAG NI TRILLANES DISRESPECTFUL AT UNPARLIAMENTARY – SEN. JV

BY: JOJO SICAT

TAHASANG SINABI NI SENADOR JOSEPH VICTOR EJERCITO NA DISRESPECTFUL AT UNPARLIAMENTARY ANG NAGING PAHAYAG NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV LABAN SA ILANG SENADOR.

ITO ANG NAGING PAHAYAG NI EJERCITO MATAPOS NA PARATANGANAN NI TRILLANES ANG ILANG SENADOR NA PUPPET O SUNOD-SUNURAN NG DUTERTE ADMINISTRATION.

PINAALALAHANAN NI EJERCITO SI TRILLANES NA BILANG PAGPAPATUPAD NG DEMOKRASYA SA BANSA ANG SENADO O ANG BAWAT SENADOR AY MAY KANYA KANYANG OPINYON AT DESISYON  BASE SA ISYU NA PINAGDEDEBATEHAN SA SENADO.

ANIYA KAHIT MAGKAKAIBA ANG KANILANG MGA DESISYON AT MGA OPINYON SA BAWAT ISYU NANANATILI ANG KANILANG RESPETO SA ISA'T ISA BILANG MAMBABATAS.

IGINIIT PA NI EJERCITO NA SA PAHAYAG NI TRILLANES TILA INIINSULTO NITO HINDI LAMANG ANG SENADOR KUNDI ANG BUONG INSTITUSYON SA PAHAYAG NITO.

DAGDAG PA NG SENADOR TILA NAPAPANAHON NA PARA IREKLAMO SI TRILLANES SA ETHICS COMMITTEE SA HAKBANGIN NITO NA NAKAKASIRA NA SA INSTITUSYON.

Read 311 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.