JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
AFP CLEARING OPERATIONS, NAGPAPATULOY SA MARAWI CITY

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

PATULOY NA NAGSISIKAP ANG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) NA TULUYAN NANG MA-CLEAR ANG MARAWI CITY SA PRESENSYA NG ISIS-MAUTE TERROR GROUP.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI WESTERN MINDANAO COMMAND (WESTMINCOM) COMMANDER LT. GEN. CARLITO GALVEZ NA PATULOY ANG CLEARING OPERATIONS NG MILITAR SA APAT (4) NA BARANGAY SA LUNGSOD NA PINAGKUKUTAAN PA NG MGA TERORISTA.

AYON PA KAY GALVEZ, TINATAYANG NASA 50-70 BAHAY AT GUSALI ANG KANILANG KINI-CLEAR BAWAT ARAW KUNG SAAN NAKAKASAMSAM SILA NG MGA ARMAS NA GINAMIT NG MGA MIYEMBRO NG MAUTE.

SA NGAYON NASA ISANLIBO (1,000) KABAHAYAN AT ESTABLISIMYENTO PA ANG KAILANGAN NILANG PASUKIN AT MABAWI MULA SA MGA TERORISTA AT MALINIS SA MGA PATIBONG AT IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE O IED NA INIWAN NG MGA ITO.

HINDI NAMAN MASABI PA NI GALVEZ KUNG KAILAN TULUYANG MATATAPOS ANG KRISIS SA MARAWI AT TINUTUTUKAN LAMANG ANIYA NG MILITAR ANG KANILANG OPERASYON LABAN SA ISIS-INSPIRED GROUP.

Read 205 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.