JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
SUSPEK SA BULACAN MASSACRE BINALIKTAD ANG NAUNANG SALAYSAY

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

TALIWAS SA MGA NAUNANG PAHAYAG, INIHAYAG NGAYON NG SELF-CONFESSED SUSPECT SA BULACAN MASSACRE NA TATLO SILANG SALARIN SA NASABING KRIMEN.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI SAN JOSE DEL MONTE CITY POLICE CHIEF SUPT. FRITZ MACARIOLA NA BASE SA SINUMPAANG SALAYSAY NI CARMELINO IBAÑEZ ALYAS “MILING” SA HARAP NG KANYANG ABOGADO, TANGING ANG BIKTIMANG SI AURING DIZON, 58-ANYOS, LAMANG ANG KANYANG SINAKSAK SA TIYAN AT WALA RIN SIYANG GINAHASA.

AYON PA KAY MACARIOLA, SINABI RIN NI IBAÑEZ NA KASAMA NIYANG PUMASOK SA BAHAY NG MGA BIKTIMA SINA ALYAS TONY AT INGGO SIYAM NA ORAS MAKARAANG LUMAKLAK SILA NG GIN AT SERBESA SAKA GUMAMIT DIN NG SHABU SA HALAGANG P150.

HINDI NAMAN NA MAALALA NI IBAÑEZ IBA PANG DETALYE SA ANG PAGPATAY SA MAG-IINA AT BIYENAN NG SECURITY GUARD NA SI DEXTER CARLOS DAHIL NA RIN SA EPEKTO NG DROGA AT ALAK.

SAMANTALA, INIHAYAG DIN NI MACARIOLA NA NATAPOS NA  FORENSIC INVESTIGATION SA CRIME SCENE GAYUNDIN SA MGA LABI NG BIKTIMA NGUNIT IPINAUUBAYA NA LAMANG NITO SA SOCO ANG PAGPAHAYAG SA BAGAY NA ITO.

Read 108 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.