JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
UNANG TAON SA TERMINO NI DU-30 PASADO KAY CHIZ

BY: JOJO SICAT

SINABI NI SENADOR CHIZ ESCUDERO NA PARA SA KANYA PASADO ANG PERFORMANCE NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA UNANG TAON NITO SA TERMINO.

AYON KAY ESCUDERO, IBABATAY NITO ANG KANYANG GRADO BASE SA PINAKAHULING SURVEY KUNG SAAN MAHIGIT 70 PERCENT ANG NAGSABI NA KUNTENTO SA PAMAMAHALA NI PAGULONG DUTERTE.

KAYA PARA SA KANYA 7 OUT OF 10 ANG MARKANG KANYANG IBIBIGAY KAY PANGULONG DUTERTE NA ANYA'Y SA TINGIN NYA AY PINAKAPATAS NA GRADO.

AMINADO NAMAN SI ESCUDERO NA MARAMI PANG DAPAT GAWIN ANG PANGULO PARTIKULAR SA PEACE AND ORDER LALO NA SA USAPIN NG KAMPANYA LABAN SA DROGA.

NANINIWALA ANG MAMBABATAS NA KAHIT ANG ANIM NA TAONG TERMINO AY HINDI KAKAYANIN NA TAPUSIN ANG PROBLEMA SA DROGA.

GAYUNMAN ANG KAGANDAHAN ANYA NGAYON AY MAY GINAGAWA ANG PAMAHALAAN AT UMAASA SIYANG MAGING ANG MGA SUSUNOD NA ADMINISTRASYON AY HINDI NA HAHAYAANG LUMAGANAP PA ANG DROGA SA KANILANG PANUNUNGKULAN.

Read 230 times Last modified on Thursday, 29 June 2017 18:54
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.