JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGBUO NG “BANGON MARAWI FUND", ISINUSULONG NI ANGARA

BY: JOJO SICAT

ISINUSULONG NI SENADOR SONNY ANGARA ANG PAGBUO NG "BANGON MARAWI FUND" PARA SA KONSTRUKSYON AT PAGBABALIK SA KABUHAYAN SA MGA RESIDENTE NG MARAWI. 

IPINALIWANAG NI ANGARA NA MAARING MAKUHA ANG PONDO PARA SA BANGON MARAWI FUND" MULA SA NAKALAANG P21.8 BILYON CALAMITY FUND NGAYONG 2017.

BUKOD DITO, SINABI RIN NG CHAIRMAN NG SENATE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS NA MAYROON DIN P6 BILYON QUICK REACTION FUND SA ANIM (6) NA GOVERNMENT AGENCIES NA ANG MANDATO AY AGARANG TULONG SA MGA BIKTIMA NG SAKUNA NA PWEDENG GAMITIN SA MGA NAPINSALA SA BAKBAKAN SA MARAWI CITY.

KASABAY NITO, PINAYUHAN DIN NI ANGARA ANG MGA MAGPAPATUPAD NG KONSTRUKSYON SA BANGON MARAWI FUND NA DAPAT MATUTO NA SA MGA ARAL SA NAKARAANG TRAHEDYA SA YOLANDA NA HINDI DAPAT MAHALUAN NG KATIWALIAN AT PAMUMULITIKA.

DAGDAG PA NI ANGARA NA DAPAT ANG MGA ITATAYONG MGA PABAHAY, TULAY AT MGA NASIRANG KALSADA NA BUKOD SA MABILIS, DAPAT AY LIGTAS AT MATIBAY.

Read 323 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.