JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
NASAAN NA ANG KASO LABAN SA NARCO - BRGY CHAIRMAN? - WIN

BY: JOJO SICAT

PINUNA NI SENADOR WIN GATCHALIAN ANG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON SA MABAGAL NA AKSYON NITO SA MGA SINASABING MGA BARANGAY CHAIRMAN NA SANGKOT SA OPERASYON NG IPINAGBABAWAL NA DROGA.

KINUKUWESTIYON NI GATCHALIAN KUNG ANO NA ANG NANGYARI SA SINASABING MGA NARCO KAPITANS NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE.

ANIYA NG SENADOR WALA PA ITONG NABABALITAAN O NALALAMAN NA MAY KINASUHAN ANG GOBYERNO NA BARANGAY CHAIRMAN NA SANGKOT SA ILLEGAL DRUGS.

GINAWA NI GATCHALIAN ANG PAHAYAG DAHIL SA ISYU NG PAGPAPALIBAN NG HALALAN PAMBARANGAY NGAYONG BUWAN NG OKTUBRE.

ANIYA NI GATCHALIAN KAYA NAUNGKAT ANG PAGPAPALIBAN NG BARANGAY ELECTION AT MAGTATALAGA NA LAMANG ANIYA ANG PANGULO NG MGA BARANGAY CHAIRMAN DAHIL SA MGA ILANG KAPITAN NA SANGKOT SA ILLEGAL NA DROGA.

IPINUNTO NI GATCHALIAN NA HANGGANG SA NGAYON HINDI PA RIN ALAM KUNG ILAN BA TALAGA ANG BARANGAY KAPITAN NA SANGKOT SA ILLEGAL DRUGS AT PAANO MAGTATALAGA ANG PANGULO KUNG HINDI PA ALAM KUNG SINU-SINO BA TALAGA ANG SANGKOT SA IPINAGBABAWAL NA DROGA.

DAHIL DITO NAIS NG SENADOR NA MAGPATAWAG NG EXECUTIVE MEETING KABILANG ANG MGA DRUG AGENCIES ANG PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) AT PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) UPANG MABERIPIKA KUNG SINU-SINONG BARANGAY CHAIRMAN ANG SANGKOT SA OPERASYON NG IPINAGBABAWAL NA DROGA.

Read 112 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.