JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
17 BANGKAY NA NAREKOBER SA MARAWI, IN-EXECUTE NG ISIS-MAUTE AYON SA AFP

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

KINUMPIRMA NAMAN NG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) NA ANG HULI NILANG NAREKOBER NA LABINPITONG (17) BANGKAY SA MARAWI AY MGA SIBILYANG IN-EXECUTE NG MAUTE TERROR GROUP.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI WESTERN MINDANAO COMMAND (WESTMINCOM) COMMANDER LT. GEN. CARLITO GALVEZ NA ANG MGA BIKTIMA AY NAHARANG AT IN-EXECUTE NG ISIS-MAUTE GROUP NOONG MGA UNANG ARAW NG BAKBAKAN SA LUNGSOD.

AYON PA KAY GALVEZ, NADISKUBRE NILA ANG MGA BANGKAY NA NASA ADVANCED STAGE NA NG DECOMPOSITION SA LIKOD NG KABAHAYAN SA BARANGAY KAPANTARAN.

SA NGAYON, AY HINIHINTAY NA LAMANG NG AFP ANG ULAT NG SOCO HINGGIL SA PAGKAKAKILANLAN NG MGA BIKTIMA.

Read 251 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.