JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
EXPANDED NUMBER CODING SCHEME DAPAT PAG-ARALANG MABUTI - SEN. POE

BY: JOJO SICAT

NANANAWAGAN SI SENADORA GRACE POE ANG CHAIR NG SENATE COMMITTEE ON PUBLIC SERVICES SA METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY ( MMDA) NA DAPAT NA PAG-ARALANG MABUTI ANG PLANONG PAGPAPATUPAD NG EXPANDED NUMBER CODING SCHEME.

AYON SA SENADORA NAIINTINDIHAN NITO ANG MALAKING HAMON NA KINAKAHARAP NG MMDA SA PAGRESOLBA NG TRAFFIC SA METRO MANILA.

SUBALIT IGINIIT NI SENADORA POE SA PAGHAHANAP NG SOLUSYON, HINDI DAPAT MAGPADALOS-DALOS AT KAILANGANG MAGING MAPANURI.

ANIYA ANG PLANONG EXPANDED NUMBER CODING SCHEME AY DAPAT NA IDAAN SA MALAWAKANG KONSULTASYON SA MGA APEKTADONG SEKTOR.

SINABI NI POE NA DAPAT MALAMAN MISMO SA MGA MAAPEKTUHANG MOTORISTA KUNG ITO BA TALAGA ANG PINAKA-EPEKTIBONG SOLUSYON O POSIBLENG MAS MARAMI ANG MAPERWISYO SA HALIP NA MASOSOLUSYUNAN ANG PROBLEMANG DULOT NG TRAFFIC.

MAGUGUNITA NA NOONG DISYEMBRE, LUMUTANG NA ANG PANUKALANG PAGPAPALAWIG NG NUMBER CODING SCHEME DAHIL SA INAASAHANG TRAPIK SA PAGPASOK NG PASKO, SUBALIT TINUTULAN ITO NG METRO MANILA COUNCIL NA BINUBUO NG 17 MAYORS SA METRO MANILA.

NANINIWALA SI POE NA HINDI ITO ANG TAMANG SOLUSYON DAHIL BIBILI LAMANG NG PANGALAWA O TATLONG KOTSE ANG MGA MAY KAYANG MOTORISTA.

DAGDAG PA NG SENADORA NA KAISA ITO SA ANUMANG HANGARIN NA MASOLUSYUNAN ANG PROBLEMA SA TRAFFIC SA METRO MANILA SUBALIT  DAPAT ANIYA NA PAG-ARALANG MABUTI AT HUWAG GAWING GUINEA PIGS O EXPERIMENTO ANG MGA KABABAYAN.

Read 359 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.