JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TRILLANES HINDI MAGSASAMPA NG KASO LABAN SA BBC

BY: JOJO SICAT

ITINANGGI NI SEN. ANTONIO TRILLANES IV NA BALAK NITONG MAGSAMPA NG KASO LABAN SA BBC MATAPOS ANG NAGING PANAYAM SA PROGRAMANG HARDTALK.

SA LIHAM NG SENADOR NA IPINADALA KAY BBC DIRECTOR GENERAL TONY HALL, IGINIIT NITO NA WALANG KATOTOHANAN ANG NAGLALABASANG UMANO'Y MGA NEWS ARTICLES PARTIKULAR SA SOCIAL MEDIA.

PALIWANAG NI TRILLANES, NAGLABASAN UMANO ANG ARTIKULO NANG MGA FAKE BLOG POSTS MATAPOS ANG PANAYAM NI STEPHEN SACKUR SA SENADOR.

SA SULAT, TINIYAK NG SENADOR NA WALA SYANG ANUMANG PLANO NA MAGSAMPA NG KASO LALO AT NASIYAHAN NAMAN SIYA SA KINALABASAN NG PANAYAM DAHIL NABIGYAN SYA NG PAGKAKATAON NA MAIPARATING SA MUNDO ANG TOTOONG KALAGAYAN NG BANSA SA ILALIM NG DUTERTE ADMINISTRATION.

DAGDAG PA NG SENADOR, MATAGAL NA ITONG TARGET NG MALAWAKAN PANINIRA LABAN SA KANYA AT PINOPONDOHAN UMANO ANG ISANG BLACK PROPAGANDA CAMPAIGN NG DUTERTE ADMINISTRATION NA NAGLALAYON NA IPAKITA ANG UMANO'Y OVERWHELMING SUPPORT NG MAMAMAYAN SA WAR ON DRUGS.

Read 320 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.