JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
GABRIELA, NAGHAIN NA NG RESOLUSYON UPANG IMBESTIGAHAN ANG UMANO’Y PANG-AABUSO NG MILITAR SA MARAWI

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

NILINAW NG GABRIELA PARTYLIST NA SINUBUKAN NILANG I-REPORT SA ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) ANG KANILANG INITIAL FINDINGS NA PINAGBANTAAN NG MGA SUNDALO ANG MGA KABABAIHAN SA MARAWI NA GAGAHASAIN SILA KUNG HINDI LILIKAS SA LUNGSOD NA NILUSOB NG ISIS-MAUTE TERROR GROUP.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI GABRIELA PARTYLIST REP. ARLENE BROSAS NA HINDI SILA NAKAPASOK SA LUNGSOD UPANG MAKAUSAP ANG MGA LOKAL NA OPISYAL NG MARAWI HINGGIL SA NASABING REKLAMO NGUNIT TUMANGGI ANG MGA ITO DAHIL ANG MAY FINAL SAY UMANO DITO AY ANG MILITAR.

NANG LUMAPIT NAMAN ANIYA SILA SA MILITAR SA GROUND ZERO AY TUMANGGI RIN ITO NA KAUSAPIN SILA.

GAYUNMAN, INIHAYAG NI BROSAS NA INIHAIN NA NILA ANG HOUSE RESOLUTION 1085 NA NAG-AATAS SA HOUSE COMMITTEE ON HUMAN RIGHTS NA MAGSAGAWA NG IMBESTIGASYON SA MGA DIUMANO'Y PANGHA-HARASS AT PANG-AABUSO NG MILITAR SA BAKBAKAN KONTRA MAUTE TERROR GROUP.

SA MGA ISASAGAWANG PAGDINIG AY IPAPATAWAG NILA ANG PAMUNUAN NG AFP AT PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) UPANG PAGPALIWANAGIN SA NATURANG ISYU.

Read 191 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.