JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DU-30 MASAMANG DAMO, MATAGAL MAMATAY - TRILLANES

BY: JOJO SICAT

WALANG AGAM-AGAM NA SINABI NI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV NA MASAMANG DAMO SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE KAYAT HINDI AGAD ITO MAMAMATAY SA NARARAMDAMANG SAKIT SA KALUSUGAN.

GINAWA NI TRILLANES ANG PAHAYAG MATAPOS SAMBITIN NG PANGULO NA WALA NAMAN TALAGANG PAKIALAM ANG OPOSISYON SA KANYANG KALUSUGAN AT NAIS LAMANG MALAMAN KUNG MALAPIT NA ITONG MAMATAY.

AYON KAY TRILLANES KUMBINSIDO ITO NA MALUSOG ANG PANGULONG DUTERTE AT KAYA PA NITONG GAMPANAN ANG TUNGKULIN DAHIL SA MASAMANG DAMO ANIYA ITO NA MATAGAL PANG MAMAMATAY.

PINARATANGANAN PA NI TRILLANES NA SANAY MAMBOLA AT MAGSINUNGALING SI PANGULONG DUTERTE KAYA KADUDA DUDA ANG KWENTO NITO NA SA ILANG ARAW NIYANG PAGKAWALA AY PALIHIM SYANG BUMYAHE O NAGPUNTA SA ISANG LUGAR.

BINARA NAMAN NI TRILLANES ANG PARATANG NI JUSTICE SECRETARY VITALIANO AGUIRRE NA ANG PAGPAPALUTANG NG OPOSISYON NG MGA ESPEKULASYON UKOL SA KALUSUGAN NG PANGULO AY BAHAGI NG DESTABILIZATION PLOT SA DUTERTE ADMINISTRATION.

DAGDAG NI TRILLANES SA MGA PINAPALABAS NG DOJ SECRETARY NA FAKE NEWS WALA NG NANINIWALA SA MGA PINAGSASABI NITO.

Read 392 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.