JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DU-30 ZERO SA KAMPANYA KONTRA DROGA - TRILLANES

BY: JOJO SICAT

KUNG SI SENADOR ANTONIO TRILLANES IV ANG TATANUNGIN UKOL SA PERFORMANCE NG PANGULONG RODRIGO DUTERTE SA KAMPANYA LABAN SA IPINAGBABAWAL NA DROGA ZERO PERCENT ANG IBIBIGAY NITONG GRADO.

SA ISINAGAWANG KAPIHAN SA SENADO FORUM SINABI NI TRILLANES NA LAGAPAK ANG PERFORMANCE NG PANGULONG DUTERTE SA MGA GINAGAWA NITO BILANG LIDER NG BANSA LALO NA ANIYA SA KAMPANYA LABAN SA ILLEGAL DRUGS.

SINABI NG SENADOR NA HANGGANG SA NGAYON AY HINDI PARIN TULUYANG NASUSUGPO NG PANGULO ANG DROGA SA HALIP MAS MARAMING BUHAY ANG NAWAWALA SA HALIP NA BIGYAN NG PAG-ASA NA MAKAPAGBAGONG BUHAY.

IPINUNTO PA NI TRILLANES ANG MGA NAGKALAT NA MGA SMUGGLED DRUGS NA UMAABOT SA BILYONG PISO ANG PATULOY NA PUMAPASOK SA PILIPINAS NA KATUNAYAN NA BIGO ANG PANGULO SA KAMPANYA LABAN SA DROGA.

ANIYA SIMULA NG NAGPAPAPATAY ANG PANGULO NG MGA FILIPINO DOON PA LAMANG AY ZERO NA ANG PERFORMANCE NITO.

IGINIIT DIN NI TRILLANES NA PRESIDENTE NG BANSA SI DUTERTE KUNG SAAN AY PINOPROTEKSYUNAN NITO DAPAT ANG MAMAMAYAN PARA MAGBAGO SA HALIP NA PINAPATAY NA PARANG HAYOP.

MAGING ANG MATINDING TRAFFIC SA EDSA AT ANG ABERYA SA MRT AY HINDI RIN ANIYA NARESOLBA NG PANGULO KUNG KAYAT LAGAPAK ANIYA ANG GRADO NA IBIBIGAY NITO SA PANGULO KUNG ITO ANIYA ANG TATANUNGIN.

Read 589 times Last modified on Friday, 23 June 2017 04:51
Tagged under
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.