JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DILG, MAGLALABAS NG IRR PARA SA EO NO. 28 NI PANGULONG DUTERTE

BY: 8 TRIMEDIA NEWS TEAM

PAGBABASEHAN NG DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) ANG INILABAS NILANG GUIDELINES SA PAGPAPAPUTOK NOONG DISYEMBRE 2016, ANG IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS (IRR) SA EXECUTIVE ORDER NO. 28 NI PANGULONG RODRIGO DUTERTE.

SA PANAYAM SA DZRJ, SINABI NI DILG ASSISTANT SECRETARY EPIMACO DENSING III NA MAILALABAS NA NILA ANG IRR SA PAGRE-REGULATE NG FIRECRACKERS AT PYROTECHNICS SA BANSA SA LALONG MADALING PANAHON DAHIL IDADAGDAG NA LANG NILA DITO ANG ILANG TECHNICAL PROVISIONS.

KASAMA SA MGA PROBISYON NA NAIS IDAGDAG NG DILG AY ANG PAGTATALAGA NG REPRESENTATIVE NG BUREAU OF FIRE OF THE PHILIPPINES (BFP) AT PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) TUWING MAY EVENT NA MAY FIREWORKS SHOW UPANG MAIWASAN ANG AKSIDENTE, PAGLALAGAT ANG GUIDELINES SA PAGBABANTAY SA LOCAL GOVERNMENT UNITS NA HINDI SUSUNOD SA NASABING BATAS, PAGTUTUKOY NG MGA LUGAR NA PWEDENG MAGPAPUTOK AT PAGPAPALABAS NG LISTAHAN NG MGA PAPUTOK O PYROTECHNICS NA MAAARING GAMITIN NG PUBLIKO.

UMAASA NAMAN SI DENSING NA MAGIGING POSITIBO ANG REAKSYON NG MAMAMAYAN SA PAGPAPATUPAD NG BATAS NA ITO DAHIL SA MALAKI ANG MAITUTULONG NITO PARA MAPABABA MGA NASASAKTAN O NAAAKSIDENTE DAHIL SA MGA PAPUTOK. 

NAKASAAD SA EO NO. 28 NA NILAGDAAN NI PANGULONG DUTERTE NOONG HUNYO 20 NA IPATUTUPAD ITO EFFECTIVE IMMEDIATELY. 

Read 239 times Last modified on Thursday, 22 June 2017 14:17
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.