JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
KREDIBILIDAD NG DOJ, NALALAGAY SA ALANGANIN- BAM

BY: JOJO SICAT

TAHASANG SINABI NI SENADOR BAM AQUINO NA NALALAGAY NGAYON SA ALANGANIN ANG KREDIBILIDAD NG DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) BILANG INSTITUSYON.

ITO ANG BINIGYANG DIIN NG SENADOR BUNSOD PA RIN NG DOWNGRADING NG KASO KAUGNAY SA PAGPATAY KAY ALBUERRA LEYTE MAYOR ROLANDO ESPINOSA.

SINABI NI AQUINO NA NAKABABAHALA ANG PAMBABALEWALA NG DOJ SA COMMITTEE REPORT NG SENADO GAYUNDIN SA RESULTA NG IMBESTIGASYON NG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) SA KASO KUNG SAAN LUMITAW NA PLANADO ANG PAGPATAY KAY ESPINOSA KAYA’T MAITUTURING ITONG MURDER.

DAHIL DITO NAIS ANYA NG MINORITY BLOC NG SENADO NA MAIMBESTIGAHAN ANG NANGYARING FLIPS FLOPPING O PAGBALIGTAD NG DOJ SA NAUNA NITONG RESOLUSYON AT IBINABA SA HOMICIDE ANG KASO.

KINUMPIRMA NI AQUINO NA MAGHAHAIN SIYA NG RESOLUSYON PARA IMBESTIGAHAN ANG AKSYON NG DOJ UPANG MAIPALIWANAG NITO ANG NAGING BAGONG RESOLUSYON.

IPINAALALA PA NG SENADOR NA MAY PANANAGUTAN PA RIN SI JUSTICE SECRETARY VITALIANO AGUIRRE SA AKSYON KAHIT PA UNDERSECRETARY NITO ANG LUMAGDA SA NATURANG RESOLUSYON.

IGINIIT DIN NI AQUINO NA RESPONSIBILIDAD PA RIN NI AGUIRRE ANG LAHAT NG AKSYON AT DESISYON NG DOJ SA ILALIM NG RULES NG COMMAND RESPONSIBILITY.

Read 110 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.