JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
LACSON PANININDIGAN ANG COMMITTEE REPORT NA MURDER ANG PAGKAKAPASLANG KAY MAYOR ESPINOSA

BY: JOJO SICAT

IGINIIT NI SENADOR PANFILO LACSON CHAIRMAN NG SENATE COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS NA KANYANG PANININDIGAN ANG KANILANG COMMITTEE REPORT NA MURDER ANG PAGKAKAPASLANG KAY ALBUERA LEYTE MAYOR ROLANDO ESPINOSA.

GINAWA NI LACSON ANG PAHAYAG KASABAY NG GAGAWING AKSYON NG MINORITY BLOC SA SENADO NA KANILANG HIHILINGIN ANG PAGSISIYASAT SA MATAAS NA KAPULUNGAN NG KONGRESO ANG GINAWANG PAGBABA NG KASONG MURDER SA HOMICIDE LABAN KINA SUPT. MARVIN MARCOS.

AYON KAY LACSON KANYANG PANININDIGAN ANG KANILANG REKOMENDASYON SA DEPARTMENT OF JUSTICE ( DOJ) NA KASUHAN NG MURDER SI SUPT. MARCOS AT IBA PANG AKUSADONG PULIS SA PAGPASLANG KAY MAYOR ESPINOSA.

IPINAALALA NI LACSON NA  ANG REKOMENDASYON AY UNANIMOUSLY O MAGKAKAISANG INAPRUBAHAN NG MGA MIYEMBRO NG SENADO.

MAGUGUNITA NA NAGPAHAYAG NG PAGKADISMAYA NG ILANG SENADOR SA GINAWANG PAG DOWNGRADE NG DOJ MULA MURDER SA KASONG HOMICIDE SA MGA AKUSADONG PULIS NA PUMASLANG KAY ESPINOSA.

DAHILAN UPANG HILINGIN NG MINORITY BLOC NA IMBESTIGAHAN NG SENATE COMMITTEE ON JUSTICE NA PINAMUMUNUAN NI SENADOR RICHARD GORDON ANG GINAWANG PAG DOWNGRADE NG DOJ SA KASO NG MGA NATURANG PULIS UPANG MAKALAYA ANG MGA ITO SA PAMAMAGITAN NG PAGPIPIYANSA.

Read 325 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.