JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
TIWALING OPISYAL SA SBMA, NAHAHARAP SA PATONG-PATONG NA KASO

BY: JAMES DE JESUS

NAKATAKDANG MAGSAMPA NG KAUKULANG KASO ANG PARTIDONG PDP-LABAN AT VIOLENCE AGAINST CRIME AND CORRUPTION (VACC) ANG ILAN OPISYAL NG SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY (SBMA) ANUMANG ARAW MULA NGAYON.

ITO ANG TINIYAK NI SBMA CHAIRMAN MARTIN DIÑO NA ANG VACC AT PDP AY NAKAHANDA NANG MAGSAMPA NG  KASO SA MGA OPISYAL NG SBMA BUKOD SA ISANG DIRECTOR NA MAY DALAWAMPU’T ISA (21) NG KASONG  HINAHARAP.

NABATID NA MASUSING PINAG-ARALAN NG NASABING GRUPO ANG MGA KATIWALIAN NG MGA OPISYAL NA SINASABING TUMANGGAP NG LUXERY CAR BUHAT SA MAY-ARI NG NAIS MAGPALUSOT NG TONE-TONELADANG ASUKAL SUBALIT ITOÝ NAPIGILAN NI CHAIRMAN.

MATATANDAAN NA HINDI RIN NAKALUSOT SA BINUONG TASK FORCE NI CHAIRMAN ANG MGA MAKINA NA DINEKLARANG SCRAP MATERIAL O MISDECLARED O HINDI TAMANG PAGBABAYAD NG BUWIS SA ECONOMIC ZONE.

TINANGKA PA UMANONG SUHULAN NG MALAKING HALAGA NG MGA SINDIKATO O SMUGGLER SUBALIT MARIING TINANGGIHAN NI CHAIRMAN DIÑO.

DAHIL SA PANGYAYARI, DITO NA NAGSIMULA NA BATIKUSIN ANG CHAIRMAN AT MGA IMBENTONG AKUSASYON ANG IPINUPUKOL SA KANÝA NG MGA TIWALING OPISYAL NA HINDI MUNA NATIN BABANGGITIN ANG MGA PANGALAN NITO.

SINABI NI DIÑO, GUMAMIT PA NG MGA KILALANG MEDIA ANG MGA TIWALING OPISYAL UPANG MAIDIIN AT PATALSIKIN SA PWESTO SI CHAIRMAN DAHIL ISA ITONG MALAKING TINIK SA LANDAS NG MGA SINDIKATONG NAG-OPERATE SA SUBIC.

TULAD ANIYA NG PAGSASAMPA NG KASO SA OFFICE OF THE OMBUDSMAN NG KASONG MALVERSATION OF FUND AT IBA PA SUBALIT NANG BERIPIKAHIN ANG NASABING KASO AY NEGATIVE ANG NAGING RESULTA.

SAMANTALA, NAGING MATAGUMPAY NAMAN ANG GINAWANG BIYAHE NI CHAIRMAN DIÑO SA JAPAN AT KOREA DAHIL SA NAHIKAYAT NITO ANG MALAKING MAMUMUHUNAN SA BANSA UPANG MAG-INVEST NG KANILANG NEGOSYO SA ECO ZONE.

AYON KAY DIÑO, ANG NASABING KASUNDUAN NA NILAGDAAN NA NG DALAWANG (2) NASABING BANSA AY MAKATUTULONG SA ILANG LIBO NA MAMAMAYAN NA WALANG TRABAHO.

IDINAGDAG PA NG SBMA CHAIRMAN, TINATAYANG NASA ISANG DAAN AT APATNAPONG BILYONG PISO (PHP140-B) ANG INAASAHANG MAGIGING INCOME O MAS LALAKI PA KAPAG PUMASOK NA RIN ANG IBA PANG INVESTOR SA ECO ZONE.

NAIS LAMANG IPABATID NI CHAIRAMAN SA ILANG GUMAGALAW SA LIKOD NG SINDIKATO NA SUMIRA SA MAGANDANG IMAHE NIYA SA PUBLIKO, PATUTUNAYAN NIYA NA HINDI NAGKAMALI SA PAGPILI SA KANÝA BILANG SBMA CHAIRMAN AT GAGAWIN NIYANG LAHAT UPANG SUNDIN ANG ADBOKASIYA NG PANGULO NA LIPULIN ANG MGA TIWALING OPISYAL UPANG MAPAUNLAD ANG NASABING ECO ZONE.

Read 18271 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.