JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
GRO, ISA PANG LALAKI ARESTADO SA DROGA SA PASAY

By: JOJO SICAT

LAGLAG SA KAMAY NG PASAY CITY POLICE SA KANILANG PINAIGTING NA KAMPANYA LABAN SA ILIGAL NA DROGA AT KRIMINALIDAD ANG ISANG GRO AT ISANG LALAKI SA IKINASANG BUY-BUST OPERATION KAGABI SA ASCAÑO STREET, MALIBAY NG NATURANG LUNGSOD.

NAKILALA NI POLICE SR. INSP. MAYNARD PASCUAL NG STATION DRUG ENFORCEMENT UNIT ANG MGA SUSPEK NA SINA JOCELYN SANTIS AT CRISTOBAL VALERIO HABANG NAKATAKAS NAMAN ANG ISA PANG DRUG PERSONALITY NA SI BRIAN SUAREZ.

AYON KAY PASCUAL, NAGPANGGAP NA BIBILI NG SHABU ANG ISA NILANG PULIS AT NANG MAGKAABUTAN NA AY DITO NA INARESTO ANG MGA SUSPEK.

NAKUMPISKA SA NATURANG OPERASYON ANG WALONG PLASTIC SACHET NA NAGLALAMAN NG HINIHINALANG SHABU AT MAY STREET VALUE NA P6,000.

SASAMPAHAN NG KASO ANG MGA SUSPEK NA KAPWA NAHAHARAP SA PAGLABAG SA RA 9165 O ANG COMPREHENSIVE DRUGS ACT OF 2002.

Read 3870 times Last modified on Monday, 29 May 2017 14:43
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.