JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
WIND POWER PROJECT SA MINDORO, PINANGANGAMBAHANG MAPATIGIL

By: FE DE LEON

PINANGANGAMBAHANG MAPATIGIL ANG KONSTRAKSYON 16 MEGA WATTS LINK POWER PROJECT KAPAG HINDI NAKASUNOD ANG CONTRACTOR NITO SA MGA KONDISYONG INIHAIN NG PAMAHALAANG BAYAN NG PUERTO GALERA AT SEMI MONITORING TEAM NG IPAABOT NILA SA TANGGAPAN NI GOV. ALFONSO D. UMALI JR. ANG MGA REKLAMO NG MAMAMAYAN SA NATURANG PROYEKTO.

NAUNA RITO MARAMI NGANG NAGREKLAMO SA TANGGAPAN NG PUNONG BAYAN NG PUERTO GALERA MAYOR RAKI ILAGAN, HINGIL SA DI UMANOÝ PAGLAHO NG TUBIG AT KULAY PUTIK NITO SA BAKLAYAN RIVER DAHIL SA GUMUGUHONG LUPA MULA SA ITAAS NA BUNDOK KUNG SAAN ISINASAGAWA ANG PAGHUKAY PARA SA KONSTRUKSYON NG WALONG WIND POWER.

INIREREKLAMO NG MGA TAONG BAYAN SA PUERTO GALERA ANG PHILIPPINE HYDBRID ENERGY SYSTEM INCORPORATED ANG CONTRACTOR NG NATURANG PROYEKTO DAHIL PATI ANG SOURCE NG KANILANG TUBIG AY UMANONG NAAPEKTUHAN NARIN UPANG AYUSIN ANG DALAWANG PANIG BINIGYAN NI GOVERNOR UMALI NG TANING O DEADLINE ANG PHESI PARA AKSYUNAN ANG NATURANG REKLAMO AT NAGPIRMA SA MGA SUMUSUNOD NA KONDISYON MAG INSTALA NG WATER FILTRATION SYSTEM BAGO AT PAGKATAPOS NG WATER RESEVOIR NA NASA BAKLAYAN WATERSHED UPANG MAIBALIK ANG DATING LINIS NG TUBIG NA NANGGAGALING DITO.

MAGKAROON NG REPRESENSTASYON SA MGA DAPAT GAWIN AT PAGPUPULONG ANG MONITORING TEAM NG COMMUNITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE GANON DIN ANG SANGGUNIANG BAYAN NG PUERTO GALERA.

AGARANG PAGLULUWAL NG PONDO ANG ENVIRONMENTAL GUARANTEE FUND PARA SA SOCIAL RESPONSIBILITY NITO SA MGA NAAPEKTUHANG RESIDENTE MALAPIT SA PROYEKTO DAHIL SA PAGDUMI NG TUBIG DULOT NG HINUHUKAY NG PAGTATAYUAN NG TOWER AT MAGKAROON NG PAGTUKOY SA TAMANG TAMBAKAN NG MGA HINUKAY NA LUPA.

MALAYO SA SITE NG PROYEKTO SA MGA NATURANG KONDISYON NAGKAROON NG PAGLAGDA SA PLEDGE OF COMMITTMENT NA NILAGDAAN NG PHESI NA KINATAWAN NI PROJECT SITE MANAGER ENG. RODERICK EPA AT NG LOCAL GOVERNEMENT SA PAMUMUNO NI GOVERNOR UMALI, KASAMA SI MAYOR ILAGAN AT NG SANGGUNIANG BAYAN NG PUERTO GALERA SA PANGUNGUNA NI VICE MAYOR MARLON LOPEZ, HINAHAMON DIN NG PUNONG BAYAN MAYOR ILAGAN NA KUNG HINDI MAIPATUTUPAD AT MAGAGAWA ANG MGA NATURANG KONDISYON MAPIPILITAN SILANG IPASARA AT IPATIGIL NA ANG NATURANG PROYEKTO.

ANG 6 BILLION WIND POWER PROJECT NA ISANG RENEWABLE ENERGY AY INAASAHANG MAKADADAGDAG SA SUPPLY NG KURYENTE SA ISLA NG MINDORO AT MAKAKATULONG SA HIGIT PANG PAG-UNLAD NG ORIENTAL MINDORO.

 

Read 4384 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.