JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
PAGDEKLARA NI PANGULONG DUTERTE NG MARTIAL LAW SA MINDANAO, SINANG-AYUNAN NG ILANG POLITICAL ANALYSTS

By: 8 TriMedia News Team

SINANG-AYUNAN ng ilang political analysts ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte ng martial law sa buong Mindanao bunsod ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.

Sa panayam sa DZRJ, sinabi ni Fr. Ranhilio Aquino, dean ng San Beda Graduate School of Law, nararapat lamang ang aksyon na ito ng gobyerno dahil sa maituturing na emergency ang sitwasyon sa Marawi City.

Paliwanag pa ni Fr. Aquino, magiging deterrent din aniya ang martial law para hindi na makapagsagawa ng mga pag-atake sa mga kalapit-lugar sa Marawi City.

Wala rin naman aniyang dapat ikatakot ang publiko sa martial law dahil hindi naman masususpinde ang karapatang pantao, gayundin ang priviledge ng habeas corpus alinsunod sa Saligang Batas.

Samantala, sinabi naman ni UP Political Science Professor Clarita Carlos na bagamat tama lamang ang deklarasyon ng martial law sa Marawi City ay sana ay gumawa ng magandang protocol ang pamahalaan para ma-confine sa isang lugar ang operasyon ng militar at mga pulis upang hindi madamay ang mga sibilyan.

Dapat din aniyang regular na magpalabas ang pamahalaan ng ulat sa sitwasyon sa Marawi upang maiwasan ang misinformation na naipapakalat sa social media at hindi makapag-dulot ng kalituhan sa publiko.

Read 3673 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.