JoomlaLock.com All4Share.net

Share This Post:

Submit to FacebookSubmit to Google PlusSubmit to TwitterSubmit to LinkedIn
DATING DOTC SEC. ABAYA MALAKI ANG PAGKUKULANG- POE

By: Jojo Sicat

NANINIWALA si Senadora Grace Poe ang Chair ng public services sa senado na malaki ang naging pagkukulang ni dating Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya kaya naging palpak ang serbisyo ng MRT 3.

Sa isinagawang pagdinig sa senado hinggil sa hindi maayos-ayos na kapalpakan ng operasyon ng MRT lumabas na basta na lamang pinirmahan ni Abaya ang kontrata para sa maintenance ng MRT kahit hindi masyado alam ang detalye sa naturang kontrata.

Ipinaliwanag ni Abaya na nagtiwala ito sa kakayahan at integridad ng mga kasamahan sa departamento gayundin sa nakalipas na pamunuan ng DOTC sa ilalim ng kapartido nito na si dating DOTC Sec. Mar Roxas kung kaya't hindi na nito binusisi ang bawat detalye ng kontrata na inaprubahan nito.

Hindi naman kinagat ni Poe ang paliwanag ni Abaya kung saan iginiit ng senadora na bilang pinuno ng isang departamento dapat pinag aaralang mabuti nito ang papasuking kontrata ng kanyang tanggapan at huwag magpakampante sa mga kasamahan.

Kasabay nito ipinasu-subpoena na ni Poe para sa sususnod na pagdinig ang isang Marlo Dela Cruz na aniya'y kapartido sa Liberal ni Abaya na nakikialam sa transaksyon SA mga bidding SA proyekto sa MRT.

Ayon sa senadora malaki ang naging partisipasyon ni Dela Cruz kung bakit pumapalpak hanggang sa ngayon ang operasyon ng MRT.

Kinukuwestiyon rin ni Poe kung bakit ang Dela Cruz na ito ang laging nananalo sa bidding bilang maintenance provider sa kabila na bago pa lamang ito sa industriya na dalawang buwan pa lamang naitatayo ang kumpanya na may kabuuang P600,000 lamang na kapital.

Lumabas rin sa pagdinig na kahit na magpalit ng maintenance provider laging lumalabas ang pangalan ni Dela Cruz bilang incorporator.

Sa susunod na pagdinig nais na malaman ni Poe kung sino ang nasa likod at koneksyon ni Dela Cruz .

Read 3614 times
Share this article

Leave a comment

Make sure you enter the (*) required information where indicated. HTML code is not allowed.